Isang dalagita ang dinala sa hospital dahil sa walang tigil kakagamit ng cellphone kaya nagresulta ito sa kanyang pagka seizure.

Ayon sa post ni Sarena Singian, kapatid ng nagka seizure,di na raw lumalabas ng bahay itong kapatid niya, wala ng ginawa kundi ang humawak ng cellphone at minsan ay nakaligtaan na nyang kumain.

Mula umaga hanggang gabi, ay ito lamang ang kanyang hawak-hawak, kaya isang umaga, ginising ang dalagita ng ina. Nakabili pa raw ito nang bigas bago sabihing siya ay nahihilo. Sinabi pa raw ng kanilang ina na uminom na lang ng tubig para maibsan ang hilo ngunit bigla na lamang daw ito pumunta sa CR at nagsuka.

nakapagsaing pa raw ito at nakakaiin ngunit sa isang iglap lang bigla na itong nanigay at bumabaluktot ang mga daliri sa kamay. Di na raw ito makagalaw at makatayo manlang. Tumirik na rin daw ang mga mata nito.

Sinugod na sa ospital ang dalagita at doon nakumpirma na nag-seizure nga ang dalagita sanhi ng labis na paggamit ng cellphone. Maaalalang di ito ang unang beses na may naiulat patungkol sa nag-seizure bunsod ng sobrang paggamit ng mga gadgets. Kadalasan pa ay mga bata edad na 7-12 ang unang naibalita na nakaranas ng focal seizure kung tawagin.

Magsilbi raw sana itong babala sa mga magulang na bigyan lamang ng oras ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets ang kanilang mga anak. Noon pa man, sadyang ang labis ay nakasasama kay mainam na maagapan at huwag na nating hintayin na mangyari pa ito mismo sa atin.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment