Sa panahon ng krisis doon mo mapapatunayan kung may pagmamalasakit ba sa inyo ang mga employer nyong halos diyan na umiikot ang buhay nyo.
Naging trending sa social media ang mga ginagawang pagtulong ng mga employers sa kanilang mga tauhan. Sa gitna ng krisis na ito, marami paring mga kompanya ang may pagmamalasakit sa kanilang mga empleyado.
Proud namang ibinahagi ng netizen na si Juanito Balundo ang tulong na kanyang natanggap sa kanyang boss ng ipatupad ang enhanced community quarantine.
Sabi pa niya sa kanyang post:
“Hindi man malaki ang kompanya ng boss namin, malaki naman ang kanyang malasakit sa amin. How much more doon sa mga malalaking kompanya galaw galaw din it’s time to show your care to them. Huwag puro gamit sa tao ha.”
Malaking tulong na ang kanyang natanggap mula sa kanyang boss dahil kahit maliit nga lang daw ang kompanya ng boss nila ay namigay pa ito sa kanyang mga empleyado ng mga relief goods at may perang pahabol pa na P500 kada supot.
Mga halos dalawang taon na rin daw si Juanito sa nasabing kompanya bilang isang licensed teacher. Marami rin ang nagbigay ng magandang komento sa pinamalas na kabaitan ng kanyang boss.
“Bless your Company always po. sana ganun din sa company namin.”
“Yan ang maganda. may konsiderasyon sa mga empleyado.”
Mapapa ‘Sana All” nalang yung ibang empleyado diyan, Godbless po at sana ay marami pang matulungan ang katulad ng Boss ni Juanito.
0 comments :
Post a Comment