Isang malaking hamon para sa mga single parent kung paano palalakihin ang mga anak ng mag-isa lamang. Kahit pa man na ikaw ang magtatayo bilang ama at ina sa kanila, iba pa rin kapag mayroong isang Ina o Ama ang tahanan.
You May Also Read:
83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!
Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.
Marami ang sumasaludo sa mga solo parent dahil di hamak na sakripisyo ang kanilang nararanasan para lamang maibigay ang buhay na pangarap para sa mga anak. Maswerte ang mga kabataang lumaki sa kanilang magulang na may Ama at Inang gumagabay at nagtuturo ng tamang asal. Kadalasan na ating mababasa ay mga karanasan at sakripisyo ng isang single mother.
Ngunit kamakailan lamang ay nag trending ang isang facebook post ng kinilalang si Don Dizon na isa raw single dad.
Naging laman ng social media ang kaniyang post tungkol sa pagkakapundar niya ng kanilang bahay. Kasama ang kaniyang tatllong mga anak at masaya silang maninirahan sa bagong bahay nila na talagang pinaghirapan niya ng husto.
Sa kabila ng tagumpay na kaniyang nakamit ay tila mayroon pa ring kulang sa kaniyang buhay. Pabiro niya kasing ibinahagi sa kaniyang post ang pagnanais niyang makahanap din siya ng “ilaw ng tahanan” upang maging maliwanag na raw ang kanilang bahay at ang kaniyang buhay.
“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own.’ Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,” Pahayag ni Don.
“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises go to God because he is the greatest!” Dagdag pa niya.
Ayon sa nakakatuwang post ni Don ay nangangailangan diumano siya ng aplikante at ang posisyon ay “ilaw ng tahanan”. Ang pasimulang bayad raw ay Php15,000 Magkakaroon din ng mga benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth, at Life Insurance.
Hindi rin nakalimutan ni Don ang karagdagang Php5,000 na pang-Online shopping diumano ng mapipiling aplikante na nakadepende kung palaging magiging malinis ang kanilang bahay. Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pagta-Tag sa mga kakilala nilang single pa rin hanggang ngayon.
May kilala ba kayong willing mag-aaply? paki inform na.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment