Sa kabila ng mga balita tungkol sa mga kr1meng nangyayari, akala natin ay wala ng taong may busilak na puso sa mundo, pero totoo ngang may mga “Angel in Disguise” na minsan dumarating sa mga panahong hindi natin alam, para tayo ay tulungan.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Sa panahong ngayon kung saan ay lahat halos apektado dahil sa pandemyang ito, may mga tao pa ring kusang nagbibigay ng tulong ng walang kapalit, dahil sa enhanced community quarantine may tulong na ibinibigay ang ating pamahalaan ngunit hindi ito sapat para sa mahabang kainan ng pamilya. May mga pribadong grupo naman na gumagawa ng fund raising para makalikom ng pundo at maitulong sa mga lubos na nangangailangan.
Kahanga-hanga naman ang ipinamalas ng isang lalaki na nasaksihan ng isang netizen na si Marianne Ercillo, lalaking may mabuting loob at walang pag-alinlangang tumulong sa kanyang kapwa, habang sila ay nasa loob ng Supermarket.
Ayon sa netizen, mismong nakita niya habang sila ay naghihintay at nakapila sa cashier, ang lalaking sa harapan nya na nka t-shirt na puti, at may isang lalaki din sa kabilang linya na naka suot ng dark green.
Marahil napansin ng lalaking nakaputi ang estado sa buhay ng mamang naka dark green kaya ito ay kanyang nilapitan at wa;ang alinlangang inabutan ng Pera.
” I saw the guy in white lumapit kay manong na naka dark green sabay discreetly nag abot ng blue bills ( 1k peso bills,just not sure kung ilan).” sabi ni Ercillo.
Pagkatapos nun ay umalis sandali ang mamang naka dark green at iniwan ang kanyang push cart. Makalipas ang dalawang minuto ay bumalik na raw ito at may dalang dalawang extra pack ng Bear Brand.
Bumalik siya sa lalaking naka puti at nagpahayag ng pasasalamat, at ang sabi:
“Maraming salamat po, pandagdag sa gatas ni baby.”
Hindi naman nakilala kung sino ang mabait na lalaking nagbigay ng pera sa kanya dahil sa suot nitong facemask, ngunit marami ang humanga sa kanyang pinakitang kabaitan sa kanyang kapwa sa ganitong krisis.
Humanga rin si Ercillo,at nadagdag nya sa kanyang caption:
” Kay Sir na naka white,mabuhay po kayo! May God bless you more! Indeed angels are among us. Kay manong na naka dark green, kapit lang po.”
Talaga nga namang ang Diyos ay gumagamit ng kasangkapan para tayo ay gabayan at tulungan, sana matapos na ang krisis na ito na mayroon tayong natutunan, nandiyan ang Panginoon na handa tayong dinggin at tulungan.
SOURCE: FACEBOOK
0 comments :
Post a Comment