Marami ang naawa sa naging kalagayan ng isang pamilya ng mangangalakal na kinilala kay Manuel Tausa ng Tondo, Manila.
Sa pandemyang kinakaharap natin ngayon, mas naging mahirap na ang buhay ng ating mga kababayan na walang regular na trabaho na kanilang pinagkukunan ng pang-araw araw na suporta sa kanilang pamilya.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Pangangalakal ang tangi nilang pinagkukunan ng hanapbuhay at ang asawa naman ni Mang Manuel ay matiyaga na pumipila sa mga feeding program upang may panlaman sa kumakalam nilang tiyan.
Bilang mga magulang ay nasasaktan din sila na hindi nila kayang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak at nagtitiis rin ito sa gutom .
Si Mang Manuel lamang ang nagtataguyod sa kanyang pamilya kung saan anim ang kanyang mga anak. Dahil sa pangangalakal lamang ang inaasahan nilang pagkukunan ng panggastos sa araw-araw, aminado siyang kinukulang talaga sila ng panggastos.
“Halimbawa sa Php100, unang-una bigas muna, tapos itlog, bagoong, tuyo saka gulay” Ipinapaliwanag na lamang daw niya sa kanyang mga anak na magtiis sa kanilang nakayanan at hindi naman tama na manguha na lamang para lang sila ay may makain. “Hindi naman tayo pwede magnakaw, huhulihin tayo,” dagdag pa ni Manuel.
Kapag pinalad, nabibigyan sila ng nagmamalasakit na kapitbahay.
Minsang may nagbigay sa kanila ng isang piraso na pritong isda, pinauna na muna ni Manuel na kumain ang kanyang asawa at anak at ang matira na lamang ang siyang kakanin niya. “Minsan po umiiyak mga anak ko kasi walang-wala talaga, Paano ‘yung maliit ko maghahanap talaga ‘yan,” pahayag ng misis ni Manuel na si Rosemarie Tausa. “Mama, wala ulam? sabihin ko wala talaga, tiis tayo,” dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa programang Stand For Truth ng GMA News:
You may also read:
Juday, Naging Emotional ng Ipahayag ang Katotohanan sa mga Magulang ng Anak niyang si Yohan.
0 comments :
Post a Comment