Food Panda Riders,Sardinas ang Ulam pagkatapos maka deliver ng Masasarap na Pagkain sa mga Customers.

Isang nakakabagbag damdaming litrato ng Food Panda Rider habang kumakain na ang ulam ay sardinas sa kabila ng pagdeliver ng masasarap na pagkain sa kanyang mga kustomers.

Naging uso ngayon ang mga food deliveries saan mang lugar lalo na ngayong limitado ang labas ng mga tao, at ipinagbabawal ang pagtambay at dine in sa mga restaurant.

Umoorder online ang mga customers ng kanilang gustong kainin at ito naman ay pinipick-up ng mga food deliveries tulad nga ng grab, food panda at mga kapareho nito, ang serbisyong ito ay naglalayon na mabigyan ng komportable at ma satisfy ang kanilang kliyente.

Hindi natin alam ang hirap na pinagdadaanan naman ng ilan sa kanila, yung iba naka-cancel pa at sila mismong mga riders ang umaabuno ng mga nasayang na orders, tinitiis ang init at ulan para makapagbigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga kustomers.

Pero,ilan sa mga ito ay hindi gaanong kumikita ng malaki para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, kaya sila mismo ay gumagawa ng paraan para labanan ang gutom at hirap ng buhay.

Kamakailan sa isang Facebook Page ng “LTO Alert 143 Bacolod” ibinahagi ang post mula sa isang netizen na si Reneboi Caudillosa, kung saan makikita ang isang Food Panda rider na nag uulam ng “555 Sardines” habang kumakain. Sa kabila ng kanilang serbisyo na maghatid ng masasarap na pagkain sa mga kustomers nito.

Marami naman ang na antig sa larawang ito at nagbigay ng kanilang reaksyon mula sa online community.

Sa nasabing larawan, makikita na tahimik na kumakain si tatang ng kanin at sardinas, ang malungkot lang ay naihatiran nila ng masasarap na pagkain ang kapwa nila pero sila ay walang kakayanang makakain ng ganuong pagkain dahil sa kahirapan.

Marami naman ang pumuri sa kanya dahil sa gitna ng enhanced community quarantine ay patuloy pa rin itong nagtatrabaho kahit na delikado.

SOURCE: PHILNEWS


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment