Sa ating lipunan lubusang hinahangaan ang mga taong may mataas na pinag-aralan, sila yung mga naka damit ng pormal at araw-araw na pumapasok sa kani-kanilang malamig na opisina. Marami ang umiidolo sa kanila dahil ika nga sila ay mga propesyunal at nag-aral ng lubusan upang magkaroon ng magandang trabaho.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Subalit, ating nakalimutan na mas kahanga-hanga ang mga ginagawa ng ating kababayang nagtatrabaho sa isang sitwasyong minsan ay napaka delikado. Dapat nating hangaan din yaong mga taong nagtatrabaho sa init ng araw at putik upang mabigyan tayo ng sapat na pagkain sa araw-araw.
Katulad nga ng isang videong kumalat sa social media kung saan napapaloob dito ang isang lalaking sinisisid ang maruming baradong kanal. Aminado tayong pwedeng makakuha siya ng malalang sakit dahil sa kanyang trabaho. Makikita na tinitiis niya ang masamang amoy ng kanal at tiniis niyang dakutin ang mga basurang nakabara sa kanal. Ginawa niya iyon para sa kanyang pamilya.
Isang marangal na trabaho ang ginagawa ni tatay at lalo pa’t wala siyang tinatapakan na ibang tao. Kaya naman, marami sa mga netizen ang nahabag at may kirot na naramdaman ang kanilang puso dahil sa napanood nila na video.
Lubusang del1kad0 ang ganitong klase ng trabaho dahil marumi ang sinisisid niya. Mga basura at hindi kaaya-ayang katas nito ang dumidikit sa balat ni Tatay, maaari din na pumasok ito sa kanyang katawan na maaaring maging sanhi ng malalang sakit katulad ng lyptospirosis.
Dahil dito, bumuhos naman ang tumulong kay Tatay galing sa mga netizen. Isa na rito ang facebook account ng Bethyboo Maluya Sure Na, kung saan pinahanap niya si Tatay para magbigay ng tulong. Sa ngayon ay naglilikom siya ng maaaring ibigay kay Tatay.
Isa itong malaking halimbawa na lahat ay gagawin ng isang magulang para sa kanyang pamilya. Marami sa atin ang hindi makuntento sa buhay kahit pa man nasa maayos na silang position, kung kaya’t gumagawa pa sila ng hindi mabuti sa kanilang kapwa. Isipin nalang sana natin na may mga taong pilit na lumalaban ng patas kahit paman nasa mahirap na silang sitwasyon sa buhay upang maka-ahon.
You May Also Read:
Lola, Nagdonate ng mga Inaning Gulay sa Isang Community Pantry.
0 comments :
Post a Comment