Tayo ba ay handa na sa ating pagtanda? Kahit hindi man natin gustuhin ay talagang aabot tayo sa pagiging matanda lalo pa’t ang bilis ng panahon sa ngayon. Subalit, kung napaghandaan naman natin ito, wala tayong dapat ikatakot.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Sa panahon natin ngayon, marami tayong nakikitang mga sitwasyon na nakakaawa na kadalasan ay mga matatanda na napapabayaan na lamang na nag-iisa sa kanilang tahanan. Sila ba ay naghanda para dito? paano kung kapos ka rin sa araw-araw, at walang ibang matakbuhan na pamilya? Baka ganito rin ang daranasin natin katulad kay lola.
Sa isang Facebook post, kanyang ibinahagi ang naging sitwasyon ng isang bulag na lola at nag-iisa diumano ito sa kanyang tirahan. Ayon sa kanya, taga-Pinaring Sultan Kudarat daw ang bulag na lola. Wala umanong kamag-anak na nag-aalaga sa kanya at iniwan na siya ng kanyang asawa matagal nang panahon ang nakakalipas kaya mag-isa na lamang si lola sa buhay.
Ayon sa uploader, kapitbahay daw niya si Lola. Nang puntahan daw niya si Lola ay hindi pa daw ito nakakakain dahil wala daw makain ang matanda kaya naman, binigyan niya ito ng makakain.
Nananawagan naman ng tulong ang netizen na ito para kay Lola, para sa pangkain at panggam0t sana nito. Narito ang buong detalye ng kanyang post:
“Share ko lang po nag iisang matanda sa likod ng bahay namin bago lang kami sa Pinaring kaya ngayon ko lang napansin ang matanda, pinuntahan ko binigyan ng makain dahil hindi pa dwa kumakain. Hindi na po siya mkakita at walang kamag anak iniwan daw ng asawa niya. Akala ko sa facebook lang ako makakita ng ganito. Sana matulungan ng DSWD. Pa share lng po mga pagari ko. Baka may gustong magbigay ng tulong jan pwede nyo po siyang puntahan. Location, PINARING SULTAN KUDARAT MAG. Dela torre po”
You May Also Read:
Lola, Nagdonate ng mga Inaning Gulay sa Isang Community Pantry.
0 comments :
Post a Comment