Isang napakalaking karangalan para sa mga magulang na makitang nakapagtapos ang kanilang mga anak bunga ng kanilang pagkayod. Wala nang mas sasaya pa at proud na magulang sa mag-asawang Clemencia at Crispin Guelos na taga Pajo, Zarraga, Iloilo.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Ang mag-asawa ay mayroong 9 na anak at 3 dito ang lalaki at anim naman ang babae. Ang anim na anak niyang babae ay kumuha ng kursong Criminology at ngayon ay ganap ng lahat na mga Pulis sa kabila ng hirap ng kanilang pamumuhay.
Sobrang sakripisyo at sipag ang ginawa ng kanilang ama at ina na halos lahat ng klaseng trabaho ay kanilang pinasukan katulad na lamang ng construction, magsasaka, pagtitinda at marami pang iba upang mapagtapos lamang ang kanilang mga anak.
Lahat ng kanyang anak ay nakapagtapos ng bachelor’s degree at ang nakakagulat pa nito dahil ang anim niyang anak na babae ay lahat pumasok sa hanay ng kapulisan.
Sila ay sina PEMS Maria Cherry G. Demarana, PEMS Ma. Irene G. Habuyo, PSMS Sharon G. Dalit, PSSG Nerissa G. Federizo, Patrol Woman Era Dawn G. Buot, PCpl Merry Cris G. Asturias.
Ang kanilang tatlong kapatid na lalaki naman ay sina enante P. Guelos, Perseus P. Guelos kag Isidore P. Guelos.
Nagsagawa ng photoshoot ang magkakapatid na pulis at ito raw ang kanilang regalo sa kanilang mga magulang.
Talaga ngang nakaka-inspire ang kanilang kwento, lahat ay posible kapag ito ay gusto mo ring maabot. Maging determinado at masipag upang makamit ang mga minimithing pangarap.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment