Isang singer na kinilala kay Patricia Ivy Peñano ang nagpost sa kanyang social media account dahil sa panggagalaiti sa ginawa sa kanya ng groom na ito.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Sa isang kasalan ay mayroong hina-hire na singer upang kumanta at siya nga ay inalok ng lalaking ito matapos daw na mapanuod siya sa show na “I Can See Your Voice”.
Ayon kay Patricia, 20 kanta ang ninanais na kantahin ng lalaki sa kanyang kasal, na ikinagulat naman ng singer dahil sobrang dami nito pero pinaunlakan niya pa rin ang hiling ng lalaki.
Hindi lamang niya inaasahan na humirit pa itong libre na lang daw sana ang gagawin niyang pagkanta sa kaganapang iyon.
Tumutol naman ang babae sapagkat hindi madali ang mga nais ipagawa ng lalaki at napakarami raw ng kaniyang hinihingi. Ngunit ang sabi naman ng lalaki ay kakanta lang naman daw siya at papakainin naman daw siya nito sa reception ng kasal.
Tila nainsulto naman si Patricia dahil aniya, hindi basta ‘lang’ ang pagkanta. Patuloy na nagpasensya ang huli. Subalit sabi pa nang lalaki na papasikatin na lamang daw siya nito sa pamamagitan ng mga koneksyon.
Ipo-post at ipapakalat din daw ang mga magiging video niya sa socmed upang sumikat at magkaroon siya ng maraming followers dito. Isasangguni rin daw siya ng lalaki sa mga kakilala upang maging guest singer.
Kung ano-ano pang mga pang-iinsulto ang natanggap niya mula rito. Sa bandang huli pa nga’y tinawag pa siyang ‘walang modo’.
Saad naman ni Patricia sa kaniyang socmed post, matagal niya naraw iyong gustong i-post ngunit noong panahong iyon ay wala pa siyang lakas ng loob na gawin ito.
“Sa totoo lang ang daming beses ko na na-encounter yung may magPPM sakin na hindi ko kilala pero ni refer ng kakilala ko ganoyn! Tapos kukunin sa ganito ganyan pero ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao. Knowing na hindi kami magkakilala.”
Ayos lang din naman daw sanang humiling ngunit huwag naman daw sobra.
“I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha),” pabula niya sa sinabinang lalaki na kumakanta lang naman daw sila upang sumikat.
Ang pagkanta rin daw sa panahon ngayon ay pinagkakakitaan na. Sapagkat mayroong mga bagay na kailangang paglaanan ng pera. Matuto rin daw magpahalaga sa bagay na pinagkaloob ng Diyos. Hindi raw biro ang maging isang singer.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment