Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari ngayon sa mundo, minsan mapapaluha ka nalang sa mga makikita mo at masasabi mong hindi pa huli ang lahat dahil may mga tao pa ring may ginintuang puso sa mundong ito.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Ang mga Pilipino ay tanyag sa ibang bansa dahil sa kakaiba nilang kultura pagdating sa pamilya, nagkakaisa, nagmamahalan at nagtutulungan kahit may sariling buhay na ang bawat isa.
Kilala rin sa pagiging ‘hospitable” o magiliw tumanggap ng panauhin at ang ating sikat na “bayanihan” culture. Tayo rin ay maawain kahit pa man hindi tayo nakaka-angat sa buhay, buong puso tayong tumutulong sa ating mga kababayang kapos sa kanilang pamumuhay.
Katulad na lamang po sa isang nakakamanghang kwento ng pagtulong ang naging viral online, ito ay ang nakunan ng video ng netizens na nagngangalang Florendo Bonavente Bern ang isang babae na taos-pusong tinulungan ang isang pulubing matanda na kanyang nakita sa daan.
Kalakip nga ng video na ini-upload ni Florendo sa kanyang Facebook account ay ang caption na;“Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay na lang sa mas nangangailangan.”
Makikita nga sa video ang babaeng nakasuot ng tshirt na kulay pink, at nakasalamin at habang ito ay naglalakad, ay mapapansin na may bitbitbit itong plastic na tila ang mga nasa loob ay mga pagkain na kanyang pinamili.
Mapapansin naman na napansin ng babae ang isang matandang pulubi na nakasunod sa kanya, kung saan tila ito’y gutom na gutom na.
Dahil sa nakita ng babae, agad niya itong nilapitan, inakay papunta sa gilid ng daan at doon ay inabutan niya ito ng tubig at makakain na mula sa kanyang pinamili.
Isa pa nga sa talagang nakakamangha sa matulungin na babae, ay ni hindi mo mababakas sa kanya na siya’y nandiri man lamang sa matanda o kahit anumang negatibong ekspresyon ay hindi ito kinakitaan.
Masaya at bukal nga naman sa kanyang puso ang naging pagtulong ng babae sa pulubing matanda, dahil ito ang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha sa video. Sa panahon ngayon, na lahat tayo ay apektado ng pandemyang ito, mas msarap na pairalin natin ang pagtutulungan upang mabilis nating masolusyonan ang problemang ito.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment