Dalaga,Inaming Hindi Magaling sa Academics, Nagulat ng Naging Milyonarya dahil sa kaniyang Live online selling

Di kailangang sobrang talino upang magtagumpay sa buhay, kundi sipag , pagpupursige, pagmamahal sa trabaho at tamang diskarte lamang ang siyang aahon sa iyo sa hirap.

Yan ang pinamalas ng isang 22 anyos na babae na naging Milyonarya sa batang edad dahil sa ginagawa nitong live online selling. Ayon sa ulat ng GMA 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing hindi makapaniwala si Joyce Sibayan na naging milyonarya na siya sa kaniyang edad matapos mag-live online selling sa loob ng mahigit isang taon.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

“Hindi ko ini-expect na maaabot ko siya kasi akala ko medyo matagal pa. Tapos sabi ng teller [sa bangko], ‘hala, milyonarya ka na sobrang bata mo namang maabot yan,’” masaya niyang kuwento.

Pero hindi naging madali bago nakamit ni Sibayan ang tagumpay. Aniya, may mga kabiguan din siyang naranasan tulad ng pagsasara ng dati niyang negosyo.

“Meron pong times na nag-breakdown po ako and nawala nga po ako sa sarili dahil sunod-sunod yung nangyayari din sa business ko,” saad niya.

Kabilang sa mga sinubukan niyang ibenta ay ang chili garlic oil, pre-loved clothes, at cosmetics.

Naalala rin niya ang panahon na tinawag siyang “bad influence” noong kabataan niya. Mismong ang mga magulang pa raw niya ang nagsusumbong sa mga pulis tungkol sa mga ginagawa niya.

22-anyos naging milyonarya sa live online selling - Police Files! Tonite

Pero ang mga pagsubok na ito ang naging daan din para magsikap siya sa paglipas ng mga panahon.

Matapos ang ilang kabiguan, sinubukan niya ang live online selling.

22-year-old woman becomes a millionaire through live online selling – Virtual Pinoy

Ayon kay Sibayan, kailangang harapin ang mga pagsubok upang makamit ang inaasam na tagumpay.

“Hindi po talaga ako magaling sa academics,” pag-amin niya. “Ang totoo pong importante sa buhay is madiskarte ka, masipag at matiyaga ka.”

You May Also Read:

Tingnan: Larawan ni Tatay na Halos Nawala na ang Mukha dahil sa Bukol, Hinihingan ng Tulong ng mga Netizen.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment