Ang pagkakaroon ng kapansanan ay kailan man hindi naging hadlang para sa mga taong positibo at gustong magsumikap, ika nga ay isang parti lang ng katawan nila ang may deperensya hindi ang buo nilang pagkatao.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Talagang mapapahanga ka sa sipag at determinasyon na kanilang pinamalas, sila ay mga magagandang ihemplo at inspirasyon para sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa mundo.
Isa na po rito ang kwento ng 71-anyos na Lola mula sa Bangkok, Thailand. Bulag man si Lola pero nananatiling makulay ang kanyang pamumuhay.
Alas siyete pa lamang ng umaga ay nagsisimula ng magbenta ng tinapay si Aunt Nid. Kung siniswerte, pagsapit ng alas kwatro ay ubos na ang kaniyang mga paninda.
Nais makapag-ipon ni Lola Aunt kaya naman patuloy ito sa pagtitinda ng mga tinapay kahit pa pinagnanakawan na lamang siya ng ibang taong napapadaan sa kaniyang puwesto.
Hindi rin mataas magbigay ng presyo ang matanda, bagkus ay ibinababa pa niya ito nang sa gayon ay makabili ang mga kulang ang pera.
Dahil dito, marami ang humahanga at kumukuha ng inspirasyon kay Lola Aunt na hindi nagpapatinag sa hamon ng buhay.
Dahil kahit ganito ang sitwasyon ni Lola mas iniisip pa rin niya ang makatulong rin sa kanyang kapwa. Masaya siya sa kanyang ginagawa.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment