Nabuhay muli ang bayanihan culture ng mga Pinoy dahil sa nangyaring pandemyang ito. Makikita na kanya-kanyang pagbibigay tulong sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya, ito ay sa pamamagitan ng Community Pantry na naging trending ngayon sa bansa.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Hindi mayayaman ang mga taong nagbibigay rito kundi mga taong may busilak na puso at handa ring tumulong sa iba. Isa na rito ay ang hinangaang 9-anyos na batang lalaki matapos na magbahagi ng kalahating sako ng kamote sa community pantry sa kanilang lugar. Siya ay kinilalang si Ornelo na isang batang mangyan na nakatira sa Sitio Siapo, Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro.
“Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong,” ayon kay John Christoper lara na nag-upload ng larawan.
Hindi naman niya inasahan na dahil sa ginawa nila na community pantry ay mababago ang buhay hindi lamang ng tinuliungan nila kundi pati na ang nagbigay ng tulong para sa kanilang community pantry tulad na lamang ng batang si Ornelo o Don Don Sinagmayon .
Pinuntahan ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee si Ornelo sa kanilang lugar upang ipagbigay alam ang magandang balita. Bibigyan nila ng full-scholarship si Ornelo mula sa pagka-elementarya hanggang makatapos ito ng kolehiyo.
“Muli namin silang pinuntahan para ipaalam na ang buong Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee ay nagpledge na ng full scholarship mula elementary hanggang college para sa kanya.”
Masayang masaya naman si Ornelo dahil matutupad niya ang kanyang pangarap na maging ‘sir’ o guro.
“Nakakatuwa pa dahil muli silang nagbigay ng mga kamote para sa Occidental Mindoro Community Pantry na Ngayon ay On Wheels na. Nalaman namin sa nanay niyang si ate Marialyn na galing daw ito sa kanilang taniman at hinanda daw talaga nila ito para ibigay,” pahayag ni John Cristoper sa kanyang post.
Ang kabutihan ni Ornelo ay sinang-ayunan ng kanilang kapitbahay dahil kahit sila ay binibigyan nito ng kamote o kung minsan pa ay isda nahuhuli nilang isda.
Sa buhay, kadalasan na kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang bukas-palad na tumulong sa kanilang kapwa. Nakakatuwa na sa murang edad ni Ornelo ay may angking kabutihan na siya maging ang kanyang pamilya. nawa ay tularan sila ng karamihan dahil mahalaga sa atin lalo na ngayong panahon ng pand3mya ang pagtutulungan sa bawat isa.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment