Masama ba ang mag chismis? Hindi natin maiiwasan na minsan ay mapag-usapan ang buhay ng iba nating kakilala, subalit, kapag ito ay sobra na at natapakan na ang pagkatao ng isang tao dapat ay itigil na. Maging responsable tayo sa mga salitang lumalabas sa ating mga bunganga upang di maka panakit ng kapwa.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Tunghayan ang kwento ng buhay ni Aling Maricel na tinaguriang “Relihiyosang Chismosa”!.
Halos araw-araw nasa simbahan ang ginang kung kaya naman kilala na siya hindi lamang ng mga pari at madre doon kung hindi karamihan na rin sa kanilang baranggay.
Aktibo rin kasi sa kung saan-saang proyekto ng komunidad ang ginang, ngunit sa oras na makita niya ang kaniyang mga amiga ay tila nagiging ibang tao si Maricel!
Chismis dito, chismis doon ang inaatupag kahit kalalabas pa lamang nila sa simbahan!
May mga pagkakataon pa nga na tahasan silang nang huhusga habang nag sisimba, at paborito nilang lait-laitin ay ang mga kabataan sa kanilang lugar.
Isa na rito si Diana, isang kolehiyala na lumuwas pang Maynila at kalaunan ay nagbago ang paraan kung paano niya ipaliwanag at irepresenta ang sarili.
Mas matapang. Mas malakas. Mas liberal.
Kung kaya naman hindi ito pasado sa pang lasa ng “konserbatibong” si Maricel, at madalas niyang hinahamak-hamak ang dalaga!
Aniya, dahil sa paraan ng pananamit nito ay walang duda na hindi siya makakapag tapos ng kolehiyo at mabubuntis pa ng maaga.
Hindi tulad ng kaniyang pinakamamahal na anak na si Evangeline, ang palagi niyang ikinukumpara sa kahit sinong kabataan sa kanilang baranggay.
Si Evangeline ay mahinhin at madalas mag suot ng mahahabang damit dahil kagustuhan ng kaniyang ina. Bantay sarado rin siya upang hindi siya “makipag landian” sa mga lalaki.
Iniiwasan si Maricel sa kanilang lugar dahil sa kaniyang ugali at tanging si Evangline lamang ang kaniyang natitirang pamilya.
Ngunit isang araw, naging usap-usapan ng bayan ang balitang naglayas ang anak ni Maricel, dahil hindi na niya kinaya ang ka-ipokrituhan nito!
Agad ding ipinagkalat ni Evangeline ang balitang nabuntis siya ng kaniyang nobyo, bagay na muntik magbigay ng atake sa puso ng ginang!
Sa isang iglap, ang dakilang chismosa ay naging tampulan ng chismis, at unti-unti ay napagtanto ni Maricel ang naging bunga ng masama niyang ugali.
You May Also Read:
Tingnan: Babae, Nahuling Direktang Nagtatapon ng Basura sa Dagat.
0 comments :
Post a Comment