Sa patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya, marami na ang pwedeng gawin sa mga simpleng larawan para gawing mas maganda ang kalidad. Mayroong tinatawag na filter na kailangang e-edit ng mga kumukuha o may-ari ng nasabing larawan, ito ay para gumanda at mas maaliwalas.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Subalit ang isang larawang kumakalat ngayon sa social media ay nagbigay curiosity sa mga taga panuod, kung ito ba ay edited nga o naturang larawan.
Sa larawan kasing ito ay makikita ang isang batang babae na nakasuot ng kulay pink na damit at abalang naglalaro. Ito ay ibinahagi sa social media ni John Davis at talagang marami ang nag-react at nagkomento rito.
Talaga naman kasing nakakagulat makakita ng ganitong larawan sa ngayon. Maraming mga netizens ang nagsasabing ito na marahil ang maituturing nilang “optical illusion of the year”.
Tiyak na malilito ka sa unang sulyap sa larawang ito dahil aakalain mo talagang kinain na ng batuhan ang batang naglalaro. Ngunit kung titingnan nating mabuti ang larawan na ito, makikitang tila nakapwesto ang batang babae sa gilid ng isang pader na batuhan kung kaya naman kalahati lamang ng kaniyang katawan ang iyong makikita.
Magkatulad kasi ang mga bato sa pader na bahagi ng larawan at sa bandang ibaba kung kaya naman aakalain mo talagang magkadugtong lamang sila. Tunay nga na madali tayong malinlang ng ating mga mata kung kaya naman hindi tayo dapat magpadalos-dalos.
Marami ang nagpalitan ng komento at naging laman ng debate na kung paano daw nabaon ang bata? at sabi nga nila na ito ay isang optical illusion lamang.
Kaya mas mainam pa rin na siyasatin natin ng husto ang mga bagay bagay bago tayo humusga o magbigay ng ating opinyon. Nang sa gayon ay mas maging maayos ang ating magiging reaksyon at opinyon patungkol sa isang bagay lalo na sa isang larawan.
You May Also Read:
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
0 comments :
Post a Comment