Sa hirap na dinaranas ng maraming tao ngayon dulot ng pandemya, maswerte na ang mga pamilyang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Yan na lamang ang tanging sinisigurado ng bawat magulang na mapunan sa araw-araw maliban sa iba pang mga gastusin.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Maliban sa problema na nga ang paghahanap ng pera na mapagkukunan ng pangkain sa araw-araw, dumagdag pa kung ano ang dapat na mai-hain sa hapag na kasya sa budget lamang.

Kaya sana sa mga anak, marunong makuntento at wag matulad sa pangyayaring ito.

Kwento kasi sa Facebook post ni AmbonTV John ay naabutan niya ang kanyang ina na tila balisa at kumakain mag-isa.

Aniya, tinanong niya ang kanyang ina kung bakit wala siyang kasabay kumain at kung bakit malungkot ito.

Sagot naman daw ni nanay ay hindi raw kasi nagustuhan ng kanyang kapatid ang niluto niyang ulam.

Sablay! Dahil malapot daw at walang sabaw.

Imbis na pahalagahan at magpasalamat sa ina ay hindi kumain ang kapatid ni AmbonTV John. Kahit sino ay malulungkot at maiinsulto kung ganito ang gagawin sa’yo matapos mong pagpaguran ang paghahanda ng pagkain na mailalatag sa hapag-kainan.

Kaya naman kahit hindi pa raw nagugutom ang nagbahagi ng kwento na si AmbonTv John ay kumuha ito ng plato at sinabayan ang ina ng kumain.

Sinaluhan nito ang nanay sa pagkain ng niluto nitong Sardinas na may misua para maipakita na naa-appreciate niya ang ang inihain nito.

Sabay sinabihan pa ito na “masarap naman ang luto mo ma eh!”.

Dahil dito ay napangiti na ang ina ni John at napawi na ang lungkot nito. Paalala niya na mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang habang kasama pa natin sila.

Maswerte ang mga taong nakakaranas o nakaranas ng pag-aalaga ng isang nanay o tatay.

Sumangayon naman ang libo-libong mga netizens at ikinatuwa ang ipinakitang pagpapahalaga at pagmamahal ni John sa kanyang butihing ina.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment