Hindi lahat ng mga nakakamanghang tanawin o bagay ay mula sa bagong gawa, dahil may mga hinahangaan tayong nagmula pa noong matagal na panahon. Katulad din sa isang larawang ito na ngayon ay nagiging trending sa social media.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Ang larawan ay patungkol sa isang malaking bahay na tila luma na at hugis sapatos. Noong mga kabataan natin ay naririnig natin ang mga kwento patungkol nga sa ganitong uri ng bahay, pero sinong mag-aakala na totoo pala ito.
Ayon sa isang sikat na nursery rhyme noon mayroon daw isang matandang babae na nakatira sa isang sapatos.
Marami siyang mga anak at dahil sa hirap ng buhay ay hindi niya na alam kung paano ang gagawin niya sa kanila. Kung kaya naman para makaraos sila at mapawi ang kalam ng kanilang mga sikmura ang binigyan na lamang niya ang mga ito ng sabaw.
Sinabihan din niyang matulog na ang mga ito pagkatapos. Kadalasang hindi makatotohanan ang mga ganitong klase ng nursery rhymes ngunit mayroon naman tayong mga mapupulot na aral dito.
Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nagtaka nang makita ng ilang urban explorers ang bahay na ito na nakatago sa isang liblib na kagubatan sa UK. Wala nang sinuman ang nakatira dito dahil tila ba niluma na ito ng panahon.
Marami nang dahon at halaman ang tumubo sa loob at labas nito at puro lumot na rin ang pader at bubungang nito. Talaga namang sirang-sira na maging ang loob na bahagi nito kung kaya naman hindi na nila ito napasok pa.
Ngunit marami ang nagsasabing may nanirahan daw dito na babae noong ‘50s!
“This took some finding but we did it, so after walking through the woods for ages trying to find the boot we finally saw it at the bottom of a steep cliff.” Pahayag ng mga explorers.
“We eventually made it down in one piece almost like rock climbing at some stages. Apparently, a woman lived in the boot in the 1950s.” Dagdag pa nila.
“Kids used to play on the boot in the 70’s & 80’s as well, this is definitely something different and the detail that went into making it.
You May Also Read:
Matandang Babae, Hinuli, Iginapos at Sinabuyan ng Asin Matapos mapagkamalang “Aswang”
0 comments :
Post a Comment