Kapag daw gumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa, ay ibabalik din sa iyo ito ng doble-doble pang blessings. Kung kaya’t sa isang negosyo dapat daw ay maging matapat upang marami pang mga tao ang tatangkilik sa iyong negosyo.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Katulad nga ng isang laundry shop na naging laman ng usap-usapan sa social media. Ito ay matatagpuan sa Agusan Del Sur dahil sa pagbabalik nila ng mga nakuha nilang pera at alahas sa mga pinalabhang damit ng kanilang mga kostumer. Sa mga larawan na ibinahagi ng Wash ME Laundromat San Francisco, makikita ang ilan sa mga larawan ng mga pinalabhan ng kanilang mga kostumer.
Makikita dito ang ilang mga alahas at pera na naiwanan sa mga damit ng kanilang mga kostumer na agad din naman nilang ibinalik. Isinama nila ang mga ito sa plastik na pinaglagyan nila ng malilinis na mga damit.
“We value integrity more than anything else.” caption nila sa kanilang post.
Talaga namang maraming mga netizens ang nakapansin sa post nilang ito. Sa panahon natin ngayon ay talagang kaunti na lamang taong matapat at may integridad kung kaya naman talagang inulan ng komento ang naturang laundry shop.
Itinuturing din silang bayani, “liwanag sa dilim”, at inspirasyon ng maraming mga Pilipino. Patunay lamang sila na kahit gaano kahirap at kalala ang mga paghihirap o pagsubok na ating pinagdaraanan ngayon ay mayroon pang mas mahalagang bagay na dapat nating pagtuunan ng pansin.
Ang pagiging isang mabuting tao at ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Sana ay mas marami pang mga tao ang kanilang maimpluwensiyahan na gumawa ng kabutihan sa kanilang kapwa at pa nga walang nakatingin sa kanila.
You May Also Read:
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
0 comments :
Post a Comment