Hindi lahat ay ipinanganak na mayaman, kaya’t kung gusto mong maka ahon sa buhay dapat ito ay iyong pagsikapan at sa tulong na rin ng ating mga magulang.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Bawat magulang ay may pangarap na maging maayos ang kanilang anak at makapagtapos ng pag-aaral ng sa ganun ay makapasok sa maayos na trabaho at maging magaan ang kanilang buhay.
Kinakaya ng mga magulang ang hirap sa pagtatrabaho upang mabigyan ng sapat na suporta ang kanilang mga anak sa pag-aaral nila.
Katulad nga ng kwento ng isang ama at ng kanyang anak na nakapagtapos na sa pag-aaral niya. Naging usap-usapan ang pagbibigay-pugay ng 19 na anyos na si Mohamad Risky Saputra sa kaniyang ama. Siya ay nakatira sa Palu, Central Sulawesi, Indonesia. Mula siya sa mahirap na pamilya ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi siya suportahan ng kaniyang ama sa kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
Ito ang dahilan kung kaya hindi na niya napigilan pang lumuhod sa harapan ng kaniyang ama upang ipakita ang kaniyang labis na pasasalamat. Sa ngayon kasi ay isa nang trainee sa Police Training Centre ang binata.
Ang kaniyang ama ay nagtitinda lamang ng “street foods” sa kanilang lugar araw-araw. Ito ang nagiging pantawid ng buong pamilya sa mahabang panahon. Hindi naging hadlang ang kahirapan upang hindi ipagpatuloy ni Risky ang kaniyang pag-aaral.
Basta’t mayroong sipag at determinasyon sa buhay ay magiging posible ang pagtatagumpay niyang ito. Kung kaya naman para sa mga taong mayroon ding pangarap sa buhay, hindi na dapat pang magdalawang-isip dahil sa kung talagang buo ang inyong loob at dadagdagan pa ninyo ng pambihirang determinasyon ay walang dudang makakamit din ninyo ang inyong mga pangarap sa buhay.
Ang pangarap ng bawat anak ay tagumpay rin ng buong pamilya.
You May Also Read:
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
0 comments :
Post a Comment