Nung magsimula ang pandemya, pilit pa ring tinatawid ng mga nasa Department of Education ang pag-aaral ng mga kabataan. Ito ay sa paraang modular at online teaching, sa ganitong paraan kinakailangan ng mga kabataan ang gadget gaya ng cellphone, laptop at computer para makasali sa aralin.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kaya kahit anong hirap ng isang Ina at Ama, kanilang ginagawan ng paraan na mabigyan ng gadget ang anak, subalit ang masama pa ay ginagawang opurtunidad ng iba para makapanlamang sa kanilang kapwa.

Katulad nga ng nakakalungkot na kwento ni tatay:

Viral ngayon ang post ni Rommel Enriquez matapos siyang ma-scam ng P6,500 gamit ang messenger at text messages.

Dati ng nag-viral si Enriquez sa social media dahil sa pagbabarter nito ng mga manok kapalit ng gadget na magagamit ng kanyang anak sa online class.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Enriquez kung papaano siya na-scam at ipinost rin niya ang mga screenshots ng usapan niya at ng mga kawatan.

Isa sa mga kawatan na nag-ngangalang Mondejar Antonnette ay nagtanong patungkol sa ayudang matatanggap ni Enriquez mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Meron tumawag at [nag-send ng] friend request [sa akin] tapos ayan na nangyari ubos yung [lamang pera] ng GCash ko. Yung benta ko po sa [mga rabbit] para ipambayad sa trabahador, inubos nila,” sabi ni Enriquez sa kanyang Facebook post.

Sumagot naman si Enriquez at sinabing wala pa siyang natatanggap na pera. Dito na sinabi ni Mondejar na kapag may natanggap umanong text message si Enriquez ay maaari ng makuha agad ang pera.

Matapos ang kanilang usapan ay isang Mea Lenna naman ang nagpakilala kay Enriquez bilang isang ‘care request [specialist]’.

Kinuha ni Lenna ang mga impormasyon ni Enriquez sa kanyang G-cash account.

Sa pag-aakalang meron ngang pumasok na pera, ibinigay ni Enriquez ang mga detalyeng hinihingi sa kanya. Hindi niya namalayan na pati ang pin ay naibigay niya.

Nagulat na lamang si Enriquez dahil nawala na ang perang naipon mula sa negosyong pagbebenta ng mga kuneho.

May mga dumating rin na text confirmations kung saan nagamit ang kanyang account sa iba’t ibang transaksiyon.

Nanlumo si Enriquez sa nangyari sa kanya. Aniya, pambayad raw ang laman ng Gcash para sa kanyang munting negosyo.

Naawa naman ang mga netizens kay Enriquez at galit ang kanilang naramdaman sa mga manloloko.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment