Pusang ITIM, Viral Dahil sa Palaging Pagtabi Nito sa Kabaong ng Sanggol, Mayroon Bang Pinahihiwatig?

Kahit pa man na nasa modernong panahon na tayo, mayroon pa ring mga tao na naniniwala sa mga sinaunang pamahiin na ibinahagi ng ating mga ninuno.

Ayon sa kanila walang masama kung ito ay susundin para sa kaligtasan ng bawat isa. Ngunit, totoo nga kaya ang mga ito? O mga nagkataon lamang at pilit tayong tinatakot sa mga impormasyong ito?

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Sa isang viral post sa social media, patungkol sa larawan ng bagong luwal na sanggol na pumanaw at nasa loob ng kaba0ng na palaging tinatabihan umano ng itim na pusa at dito pa nakahiga sa harapan ng kaba0ng.

Nagulat mismo ang magulang ng pumanaw na bata kung bakit ganito ang aksyon ng pusa, pati mga netizens ay nakapagbigay din ng kanilang reaksyon.

Itim Na Pusa,Palaging Tinatabihan Ang Kabaong Ng Isang Sanggol. - WE ARE PINOY

Katulad ng tao ang mga hayop ay tila mayroon ding pakiramdam at emosyon, kung kaya’t kapag sila ay sinasaktan, nagagalit sila kapag naman pinakita mong mahal mo sila ay naglalambing din sila. Tila ganito daw ang pinahihiwatig ng isang itim na pusa kung saan nalulungkot ito sa pagpanaw ng sanggol.

Kitang kita ang itim na pusa na nasa tabi ng kabaong ng isang 26 days old na baby sa mga larawan na ibinahagi ng Public Information Office ng Asingan sa Pangasinan, Ayon sa pamilya ng namaalam na ang sanggol ngunit nagulat na lang umano sila nang bigla na lamang tumabi ang kanilang pusa sa kabaong ng sanggol.

Noong una ay pinapaalis na rin umano nila ang kanilang pusa sa tabi ng kanilang baby, ngunit sa tuwing nakikita umano ng kanilang pusa na walang kasama ang kanilang baby ito ay bumabalik.

“Noong una po pinapalayo namin tapos bumabalik po siya. Tapos noong walang maiiwang makakasama ’yung baby namin… bumabalik po siya.”

Saad ng ina ng sanggol na si Evelyn Romero.‘’Sige diyan ka muna bantayan mo muna si ading mo ah?’'<

Ayon naman sa PIO ng Asingan saad pa raw ng isang animal behavior expert, ang biglaang pagbabago sa kanilang environment ay nakakaapekto rin sa mga mental state ng mga hayop.

Ika niya.“Anumang kalungkutan na nararamdaman ng hayop ay kaakibat ng biglang pagkawala ng malaking bagay na bahagi noon ng pang-araw-araw na buhay nito,”

May mga nagsabi din na ang kaluluwa ng bata ay baka sumapi na daw sa pusa, tila nakakatawa man ito pero may mga naniniwala pa din sa mga pamahiing ito. Kung kayo po? maniniwala ba kayo sa mga pamahiin?.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment