Walang papantay sa pagmamahal ng isang Ina sa kanyang mga anak, dahil kanyang tiniis ito sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, sariling dugo at laman niya ang bumubuhay rito hanggang sa araw ng kanyang paglabas sa mundo.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Kaya nararapat na sila ay suklian sa kanilang mga nagawa, ngunit lubhang nakakaawa kung sa kabila ng kanyang mga sakripisyo ay nakuha pang iwan ito ng kanilang padre de pamilya at nasa hindi pang magandang kalagayan.
Kagaya na lamang ng mag-iinang ito na kung saan ay naabutan pa ng isang vlogger na nasa gitna ng tubuhan dahil sa pagbabakasakaling may makuhang pagkain para sa kanilang mag-iina.
Hindi na makalakad ang ina at ginagapang na lamang ang sarili sa lupa para makakilos at makagawa pa ng paraan para mabuhay silang mag-iina.
Hinihila na lamang ni Gina ang kanyang mga paralisadong paa para lamang makakilos siya at makagawa ng gawain bahay.
Tinutulungan si Gina ng kanyang panganay na anak sa pagtatanim upang may kitain sila na pera at may matustos sa pang araw-araw ngunit hindi ito nagkakasya sa kanila. Nadatnan pa ng vlogger ang bunso na kumukuha ng tanim para maidagdag sa kanilang kakainain.
Lubhang mahiråp ang buhay ni Gina dahil bukod sa hindi na ito makalakad at sa pagiging salat sa buhay ay iniwån pa sila ng kanyang kinakasama simula ng hindi na ito makalakad. Dahil dito, bumuhos ang mga luha ni Virgelyn dahil sa awå na nararamdaman niya para sa mag-iina.
Nagbigay ng tulong ang vlogger at ito ay lubos na ipinagpasalamat ni Gina dahil napakalaking tulong na nito para sa kanila lalo na at wala siyang hanapbuhay bukod sa pagtatanim. Layunin ng vlogger na makatulong sa mga taong nasa laylayan at lahat ng mga nagbibigay sa kanya ng mga donations at mga kinikita sa pag-vavlog ay ibinibigay niya rin sa iba.
Nawa ay patuloy na bigyang biyaya si Virgelyncares upang maging instrumento din siya na tumulong sa mga nangangailangan nating kababayan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment