Kahit pa man nasa modernong mundo na tayo, marami pa rin sa ating mga kababayan na nasa mga bulubundukin ang hindi abot ng mga makabagong teknolohiya at na e-expose sa modernong mundo.
Kaya sa usaping edukasyon, hindi lahat ng mga kabataan doon ay nakapag-enrol at natuturuan dahil sa limitadong resources at hirap ng buhay. Subalit, may mga magulang na pilit ginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak kahit pa man ang kapalit nito ay ang pangangailang ng kanilang sarili, lahat ay kaya nilang isakripisyo para sa kanilang mga anak.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Katulad na lamang ng mag-amang ito na nagviral sa social media, naging usap-usapan sila dahil marami ang naantig sa mga larawan nilang kumakalat, makikita kasing masaya na nakangiti ang isang ama na umattend sa graduation ng anak nito habang naka paa lamang.
Simpleng t-shirt ang kanyang suot at short na tila pambahay lamang pero siguro yun na yung pinakamagandang damit ni Tatay, wala siyang suot na tsinelas at gayundin ang anak nitong babae na nakasuot na nga ng togang puti.
Mukha ngang mas pinaghandaan nila ang toga ng anak kaysa sa kanilang sapin sa paa, naging agaw pansin pa ang suot nitong may logo ng isang super hero na si Superman, na angkop umano para kay tatay dahil isa itong Super Tatay para sa mga netizens.
Ayon pa nga sa post ng isang Facebook Page na Hanep TV:
“Eto po yung tatay na naka-yapak habang sinasamahan nya anak niyang kinder papuntang stage dahil raduation ng bata.. kahit construction worker lang si tatay handa siyang magsakripisyo at mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak nya, hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap.. taga La Fortuna Oriental Mindoro po ang mag-amang ito, saludo kami sa’yo tatay and congrast baby!”.
Ayon sa isang netizen, ang mag-ama pala ay mga Mangyan at kalakip na sa kanilang kultura ang hindi pagsuot ng tsinelas o sapin sa paa. Subalit, tinitiis nila ang init ng lupa at tusok tusok ng mga bato upang makababa at masaksihan ang graduation ng kanyang anak.
Marami ang naawa at na-inspire sa mag-ama dahil makikita ang saya sa kanyang mukha sa kabila ng hirap ng buhay na kanilang nilalabanan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment