Lalaki Nagtanim Ng 6,000 Na Puno Para Sa Asawa Na Namayapa At Makalipas Ang 17 Taon, Lumitaw Ang Kanyang Pinakatatagong Mensahe.

Till death do us part! Yan ang mga katagang sinumpaan ng dalawang taong nagmamahalan sa altar at nangangakong isabuhay ito dulot ng kanilang pagmamahalan.

Ngunit hanggang kailan nga ba mananatili ang iyong pagmamahal sa tao na iyong minamahal kahit wala na siya sa iyong tabi?

Ang kamangha-manghang kwentong ito ay tiyak na makakapagsabi sayo ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Sa katunayan nga niyan, ang dalawa ay nahulog sa isa’t isa sa unang pagkikita lamang nila at mas lalo pang naging matatag at malakas ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa bawat araw na lumipas.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Ang pagmamahal nila sa isa’t isa ay talagang napakalalim kaya naman ang mga tao sa kanilang lugar ay tinatanong kung ano nga ba ang kanilang sikreto sa pagpapanatili ng masaya at matatag na relasyon.

Gayunpaman, ang kanilang kasiyahan ay hindi nagtagal. Pumanaw si Janet dahil sa heart att4ck matapos ang kanilang 33 taon na pagsasama bilang mag-asawa.

Matapos magpakasal noong 1962, lumipat si Winston at Janet sa isang farm house sa 112 actres sa English countryside. Kalaunan, ipinanganak naman ni Janet ang kanilang anak na lalaki at sa paglipas ng taon, lalo pang naging matatag ang kanilang pagsasama.

Napakatibay ng pundasyon ng kanilang relasyon, nasa maganda ding kalusugan ang kanilang anak, at patuloy na umuunlad ang kanilang sakahan. Sa loob ng tatlong dekada, naging maayos ang pamumuhay ni Winston at Janet sa kanilang bahay sa Wickwar, Gloucestershire.

Ngunit, ang lahat ay nagbago.

Nagtanim si Winston ng 6,000 na oak trees sa isang bukirin malapit sa kanilang bahay bilang pagkilala at pag-alala sa kaniyang minamahal na asawa.

Nagpasya si Winston na magtayo ng isang ligtas, espiritwal na pwesto para sa kanya at sa kanyang anak kung saan maaari nilang puntahan tuwing sila ay nagkakaroon ng pagsubok sa buhay. Sinimulan ni Winston ang pagtatanim ng maraming mga puno sa nasabing bukirin.

Ngunit isang hugis na puso ang itinago ni Winston sa loob na kagubatan na nagpaespesyal pa lalo sa pagkilala niya sa kaniyang asawa.

Sa loob ng 17 taon, naging sikreto ang kaniyang nagawa mula sa publiko. Natapos ni Winston ang kanyang layunin, ngunit ang totoong inspirasyon para sa kanyang pagsisikap ay nanatiling isang misteryo na nakatago sa mga puno.

Nang ang isang lalaking nagngangalang Andy Collett ay nakasakay sa kanyang hot air balloon noong 2012, natuklasan din kalaunan ang ang sikreto ni Winston. Nakita niya ang puso mula sa langit habang nakatingin siya sa ibaba.

Ayon sa General Knowledge & Interesting Facts, ang magandang alaala ni Winston ay nasa kaniyang hardin na nakatago ilang taon na ang nakalipas bago pa man aksidenteng matagpuan ni Andy ang nasabing property.

“You can just imagine the love story. I have my own balloon and am quite a regular flyer, but this was the most amazing sight I have ever seen from the sky.”

Ang dulo ng nasa hugis na puso ay nakaturo sa bahay ni Janet noong siya ay bata pa sa Wotton Hill village.

Naglagay din si Winston ng isang bakod sa paligid nito, at ang mga daffodil naman ay namumulaklak sa gitna tuwing tagsibol.

“I thought it was a great idea — it was a flash of inspiration — and I planted several thousand oak trees. Once it was completed we put a seat in the field, overlooking the hill near where she used to live.”

Kahit pa man wala ng kahit anong bagay ay makakapagbalik pa sa buhay ni Janet, nakakasiguro naman si Winston na magugustuhan ng kaniyang yuma0ng asawa ang heart-shaped na ginawa niya para sa kaniya.

Ani Winston,

“It is a lovely and lasting tribute to her which will be here for years.”

You May Also Read:

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment