Kung sa palagay mo ay nahihirapan ka na, paano nalang kaya ang mga taong katulad ni kuyang rider na ito? Hindi man kumpleto ang parti ng kanyang katawan ay nagsusumikap pa rin sa kabila ng pandemya upang mabigay ang pangangailangan ng pamilya.
Ibinahagi ng netizen na si Avril ang larawan ng isang delivery rider na naghatid ng kanyang order. Hindi lang dahil matanda na si tatay kaya napabilib ito, kundi mayroon din itong kapansanan. Napabilib si Avril dahil hindi nito alintana ang hirap ng pagiging delivery rider at makikita ang pagiging pursigido nito sa buhay.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Si Tatay ay isang Lalamove delivery rider na naghahatid ng mga ibat-ibang orders ng mga customers, mapabigat man ito o magaan. Noong araw na iyon ay magpapa-deliver si Avril ng dimsum kaya’t tumawag siya ng Lalamove rider, ngunit hindi niya inaasahan na ang delivery rider ay isang matanda at may kapansanan. Putol ang kabilang binti ni tatay at meron lamang itong prosthetic o bakal na binti na nakakabit.
Pahayag ni Avril, napansin nya daw na hirap na maglakad si tatay dahil na rin siguro sa katandaan bukod pa sa prosthetic nitong suot. Nag-alala rin siya dahil may kabigatan nga ang mga ipapadeliver niyang dimsum at baka mas lalo itong mahirapan, ngunit imbes na i-cancel ay tinanggap nito ng buo ang kanyang dimsum at pursigidong ideliver ito.
“Kung mapapansin niyo po bakal ang kanang side ng paa ni Tatay. Kaya hirap siya tumayo at kahit mabigat po pinadeliver ko na dimsum di po siya nag-cancel. Di ko din po kasi expected na ganun po kalagayan ni Tatay. Basta Tatay salute ako sa’yo.”
Namangha si Avril dahil sa ipinakitang pagpupursige at pagsusumikap ni Tatay. Hindi daw nito alintana ang kanyang edad at kapansanan basta’t makapaghanapbuhay lang para sa pamilya. Imbes na magpahinga na lamang ito sa kanilang tahanan ay mas pinili nitong maghanapbuhay na tila walang kapahamakan ang kalsada at pandemya.
Nagsilbi ring magandang representasyon si Tatay para sa mga PWDs o Person With Disability na hindi sila pabigat sa lipunan kundi mayroon silang kakayahan kung bibigyan lamang ng pagkakataon. Madalas husgahan ang mga katulad niyang may kapansanan sa ating lipunan dahil tingin ng marami ay pabigat lamang sila at walang kayang gawin, ngunit ang lahat ng ito ay ipinakitang hindi totoo ni Tatay delivery rider.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment