Bawat magulang ay may pangarap sa kanilang mga anak, at isa na nga rito ay ang makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Ginagapang ng mga magulang ang edukasyon ng kanilang mga anak dahil sa paniniwala na ito ang kanilang maging susi sa tagumpay.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Sa pagtatapos ng kanilang mga anak, parang napawi lahat ng paghihirap at sakripisyo nila habang sila ay nag-aaral pa. Katulad nga ng larawang ito na nag viral sa social media na marami naman ang na inspire at natuwa sa nakamit ng kanyang anak.
Masisilayan sa mga larawan na ang ama ay labis na nasiyahan ng makita ang kaniyang anak na papalit sa kaniya dala ang ilang mga medalya at suot ang toga nito.
Bilang isang magsasaka, napakahirap itaguyod ang pag-aaral ng mga anak dahil sa limited na kita kung kaya’t napaka gandang regalo sa mga magulang ang ganitong pagsisikap din ng mga kabataan.
Walang tanging maipapamana ang mga ito sa kanilang mga anak kundi ang edukasyon hindi man mapamanahan ng karangyaan sa buhay ang mga anak tanging edukasyon lamang ang susi upang hindi matulad sa kanila ang kanilang mga anak.
Kung mapapansin sa larawan ay halos mapaiyak sa tuwa ang ama nang makita ang pinag-aral na anak. “Worth it” kumbaga ang mga ginawa niyang pagtatrabaho. Dahil ang tugumpay ng anak ay tagumpay rin ng magulang.
Tunay ngang dakila ang kaniyang ama kahit na pagod na ito sa paghahanap buhay sa bukid ay palagi itong nakasubay-bay sa kaniyang mga anak.
Walang hinihinging kapalit ang mga magulang sa kanilang mga anak sa lahat ng kanilang sakripisyo kundi ang maging mabuti at lumaking maayos ng makamit din nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment