Sabi nga ng iba, ang sarap bumalik sa pagkabata dahil sa nakikita nilang ang mga bata ay masaya at tila walang pakialam sa mga dumarating na problema, tanging tulog, kain at eskwela lamang ang kanilang ginagawa.

Subalit, hindi naman lahat ng kabataan ay ganyan ang nararanasan, mayroong sa musmos na edad nila ay pasan na nila ang responsibilidad na itaguyod ang buong pamilya.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Halimbawa nga nito ay ang isang batang nagngangalang Samuel E. Miguel, siya ay 10-anyos pa lamang subalit nagtatrabaho na ito upang makaipon ng perang pampagamot ng ina at operasyon dahil nagkaroon daw ito ng stroke.

Ayon sa netizen na si Jane Ashley Jimenez na nagbahagi ng istorya ng bata, sadyang tumutulong diumano ang bata sa nanay nito na magbenta ng balot sa kanilang lugar. Ngunit, sa di inaasahang pangyayari ay nabagok ang nanay nito at na stroke.

Dahil sa nangyari sa ina ay kinailangan ng mag-trabaho mag-isa ng sampung taon na si Samuel. Ito raw diumano ay para maipagamot niya at maoperahan ang mahal na ina.

Nanawagan din ang netizen na sana ay tulungan ang bata at kung sino man ang nais mag-paabot ng tulong ay ipagbigay alam na lamang sa kanya.

Baka po may gustong tumulong sakanya nagtitinda sya ng balot araw araw siya nadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nabagok mama niya and na half stroke yung mama niya. Samuel E. Miguel, 10 years old palang siya nagtitinda siya para daw may pang opera yung mama niya Sa mga gusto pong tumulong paki pm nalang po ako maraming salamat”, panawagan ni Jimenez.

Ang naturang post na iyon ay sadyang nag viral online at umani ng napakaraming reactions, comments at shares sa Facebook. Marami rin ang nagpaabot ng pagnanais tumulong sa bata. Talagang nakakaawa ang mga ganitong di inaasahang pangyayari sa Pamilya, sa lahat ng tumulong, nawa ay pagpalain po kayo ng Maykapal.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment