Sa ating paglalakbay sa araw-araw, marami tayong mga nakakasalamuhang tao na may iba’t-ibang bigat na dinadala sa puso at isipan. Mayroon ding mga taong iba iba ang paniniwala at kaugalian, kung kaya’t maswerte tayo na sa ating paglalakbay ay may makasalamuha tayong taong may ginintuang puso.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Tila ito ang naranasan ng isang matandang lalaki na naglalako ng paninda niyang walis sa may San Jose del Monte, Bulacan. Tila isang hulog ng langit ang lalaking rider na nakasalubong ni tatay habang ito ay nagtitinda.
Ayon pa sa salaysay ng rider na kinilala kay Benedict Jade Duran, habang nagmamaneho siya papuntang SM Fairview ay nakita niya ang isang lolo na bitbit ang mga walis tambo na mahaba. Noong una raw ay nilampasan niya ito ngunit tiningnan niya ulit ito sa salamin ng kanyang motor.
Makikita na pasan-pasan ng matanda ang mga mahahabang walis habang may dalang tungkod. Habang nakahinto ay nagdadalawang isip pa siya kung babalikan niya ito dahil aniya ay may rush order siya noong oras na iyon. Ngunit dali dali siyang bumalik para tanungin ang matanda.
Nang tanungin niya kung magkakano ba ang mga walis ay sinabi na tig Php180.
Ang sabi niya,’Tay upo ka muna pahinga kana ako na bahala magbenta nyan, pinost ko agad sa group ko.” Mabuti na lamang at mayroon mga nakapansin sa post ni Duran at naubos ang paninda ng matanda. Abot hanggang langit ang ngiti ng matanda ng iabot sa kanya ang perang kinita sa mga panindang walis.
Ani Duran na napakasarap sa pakiramdam noong napasaya niya ang matanda at napaubos ang panindang walis at pinasalamatan rin siya nito.
“Yung ang sarap sa feeling na natulungan mo si tatay Jesus, opo tama po ang pagkabasa niyo, ang name niya ay Jesus!”
Hinangaan niya raw si Tatay Jesus dahil sa edad nitong 85 taong gulang ay nagbabanat pa rin siya ng buto.
“Saludo ako kay tatay, magkikita pa ulit tayo! Maraming gustong tumulong sayo tay!”
Laking pasasalamat rin ni Duran sa mga taong umorder ng walis at di raw sila nagdalawang isip na bilhin ang mga walis ni tatay.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment