Tayong mga pinoy ay naniniwala na ang Edukasyon ang siyang tanging kayamanan na hindi mananakaw sa atin ng sinoman. Kaya’t marami sa atin ang nagpupursige na makatapos ng pag-aaral dahil sa paniniwalang ito ang mag-aahon sa atin sa kahirapan.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Sa ating pagtatapos sa paaralan, hindi lamang ito pangarap para sa ating sarili kundi ng buong pamilya lalo na ang mga magulang na tumataguyod sa atin upang mapagtapos ito.
Bilang ganti rin natin sa kanila, tayo ay puspusang nag-aaral at ginagawa ang lahat na ang kanilang pangarap sa atin ay ating matupad. Marami tayong mga kwentong nakaka-inspire na nababasa sa social media at ito nga ay nakakatulong sa atin upang magpursige at maging matatag sa hamon ng buhay.
May mga mag-aaral na sadyang mahirap at ang nakakalungkot pa minsan ay yaong mga estudyanteng may kapansanan, ngunit tila hindi nila ito ramdam dahil mas lalong naging matatag sila upang maabot ang kanilang pangarap.
Isang patunay na halimbawa ang kwento ng batang si Jean Areja Derapal, upang makapasok sa paaralan si jean nilalakad nya muna ang mahigit apat na kilometrong layo mula sa kanilang bahay patungo sa eskwelahan ng kaniyang pinapasukan.
Wala man ang isang kanang binti natiis niya sa loob ng anim na taon ang pag lalakad ng mahigit apat na kilometrong layo simula sa kanilang bahay hanggang eskwelahan, at kahit may käpansånαn si Jean nakapag tapos siya ng elementarya, determinadong makapag tapos ang bata dahil para kay Jean, ang edukasyon ay pang habang buhay niyang dadalhin at kahit sino man ay hindi ito kailan man makukuha sa kaniya.
At hindi nabigo ang batang si Jean at sa kaniyang pag tatapos sa elementarya ay ginawaran siya ng mataas na antas ng pag-aaral, at tanging hiling ni Jean ay mag karoon siya ng artificial na paa upang magamit niya ito at hindi mahirapan kahit gaano man kalayo ang kaniyang lalakarin patungo sa panibagong papasukan na paaralan.
Ang kwentong ito ay ibinahagi sa social media ng kanilang mahal na punong-guro na si Mr Junar T. Mahilum, saad nito labis raw itong humanga sa determinasyon ng bata kaya niya ibinahagi sa iba ang kwento ni Jean, at umani naman ito ng positibong komento mula sa netizen at marami rin ang humiling na maibigay ang pangangailangan na artificial na paa ng bata.
You May Also Read:
Mga Ancient Mummy Coffins Sa Egypt, Sa Wakas ay Binuksan At Ito Ang Nakakamanghang Laman Sa Loob
0 comments :
Post a Comment