Umani ng papuri mula sa mga netizens kamakailan lamang ang isang babaeng pulis. Ito nga ay matapos niyang i-breastfeed ang isang sanggol na hindi niya anak, bagkus ito ay iniwan ng mga magulang nito, marahil upang makapaghanapbuhay.
Sinabing nagsagawa ang Anonas Police Station 9 ng clean-up drive at feeding program sa Barangay Old Capitol Site nang mapadaan si Lieutenant Jean Aguada sa isang barong barong.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Ayon kay Aguada, naglalakad sila patungo sa lugar nang makarinig sila ng malakas na iyak ng sanggol, kaya agad niya itong nilapitan.
“‘Yung kamay niya is naka-clench na dahil sa gutom na siguro. Siyempre bugso ng damdamin ng ina, maaawa ka talaga. Nakita ko pa na ‘yung diaper niya punong puno na ng dumi. So nilinis,” sabi ni Aguada, hepe ng Community Relations ng PS9.
Walang alinlangang pinadede ni Aguada ang sanggol nang makitang mga kapatid lang ang kasama nito, na isa at dalawang taong gulang lamang.
Napag-alaman na nagpapasuso rin si Aguada ng kaniyang walong-buwang-gulang na anak.
“Parang nai-transfer ‘yung pagmamahal sa anak ko, naisip ko ‘yung bata. Kasi parang anak ko na rin ‘yung nakita ko,” sabi ni Aguada.
Tumagal ng mahigit 30 minuto ang pagdedede niya sa sanggol bago dumating ang mga magulang ng mga bata.
Pinagsabihan naman ng mga awtoridad ang mga magulang kung bakit nila iniwan ang mga bata.
Hindi inakala ni Aguada na magba-viral ang kaniyang kuwento at aani ng papuri mula sa netizens.
“Kagustuhan ko lang na mabigyan ng pansamantalang kalinga ‘yung bata, plus the fact na nasa serbisyo tayo,” anang hepe.
Hinangaan at sinaluduhan ni PNP Chief Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang ginawa ni Aguada.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment