Kapag mayroon kang talento at pinaghusayan ito, malayo talaga ang mararating mo. Isang magandang halimbawa nito ay ang dating nangangalakal lamang na batang si Lyca Gairanod, ngunit dahil sa kahusayan nito sa pag-awit natanghal itong grand winner na siyang umahon sa kanilang pamilya.
You May Also Read:
Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!
Naging grand winner si Lyca sa kauna-unahang Kapamilya TV Show na “The Voice Kids Philippines” noong taong 2014.
Ito ang naging daan para umasenso ang kanyang pamilya. Ibang-iba na ang buhay ng batang singer noon kumpara ngayon, dahil sa premyo niyang natanggap naging malaking tulong ito sa kanila at naging sunod-sunod na rin ang kanyang proyekto tulad ng mga songs recordings at commercials.
Isa rin sa pinagkaka-abalahan ngayon ni Lyca ay ang pag-gawa ng vlog sa YouTube.
Ganoon pa man, hindi pa rin nakakalimutan ng batang singer ang lugar na kaniyang pinanggalingan.
At ang mga bagay na ginagawa niya noon bago pa man siya makilala sa industriya ng showbiz.
Pati na rin ang pangangalakal niya noon ay hinding hindi aniya makakalimutan ni Lyca.
Kaya naman ng may makilala siyang isang matandang babae ay agad niya itong tinulungan.
Ayon kasi kay Lyca ay nakikita niya ang kanyang sarili sa matanda na kinilalang si Lola Ising.
Namumuhay kasi ang matanda sa tabing ilog at tanging pangangalakal lang din ang kanyang ikinabubuhay.
Nang makita daw ni Lyca si Lola Ising ay parang nabiyak ang kanyang puso.
Kaya naman pinilit niyang ipahanap ito sa kanyang Team Charan upang maabutan ng tulong.
Binilhan ni Lyca ng mga grocery, pagkain at mga prutas si Lola Ising at personal niya itong dinala sa tahanan ng matanda.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment