80-Anyos na Lolo, Nagtapos ng 2nd Honor sa Junior High School at Determinadong Makapag-Kolehiyo.

Walang age limit sa pag-aaral, at ito nga ang kayamanan ng bawat isa na hindi mananakaw ng sinuman kaya kung may pagkakataong makapag-aral pa ay gawin ito dahil isa itong malaking tulay upang umasenso sa buhay.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang pagtatapos ni Lolo na nasa 80-anyos na mula Marinduque sa Junior high School at naging 2nd honor pa ito.

Si lolo ay kinilala na si Teofilo Bonites Sr. na matagumpay na nakatapos ng Junior High School bilang 2nd Honor Student sa Marinduque.

Sumailalim si Lolo Teolifo sa Alternative Learning System ng Department of Education (ALS) dahil sa nais nitong makatungtong ng High School at naipasa niya ito kaya naman siya ay nakatapos ng kanyang Junior High School at nagnanais na makatuntong ng kolehiyo at tapusin din ito.

Naging newspaper boy siya ng National Press Club na siyang nagdala sa kanya sa pangarap niya na maging isang reporter. Kaya naman, desidido si Lolo Teofilo na ituloy pa rin ang pagpasok sa Senior High School hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo kung saan kukunin niya ang kursong journalism o Political Science.

Naging inspirasyon siya sa marami at pinatunayan niyang hindi basehan ang edad para matupad ang pangarap. Sa katunayan ay pinagbuti iya ang kanyang pag-aaral kahit na mayroong pand3mya at hindi face-to-face ang klase. Nagsumikap pa rin itong masagutan ang mga modules at makipag-participate sa online class.

Labis naman ang pasasalamat ng kanyang mga naging guro at maging ang kanyang misis na lubhang masaya sa naging bunga ng determinasyon ng kanyang mister sa kabila ng kanyang edad. Nawa’y magsilbing inspirasyon si lolo lalo na sa mga kabataan ngayon.

You May Also Read:

Kahanga-hanaga ang Anak ng OFW Dahil Sa Nakakabilib Niyang IPON Sa Pamamagitan Ng Php20 Ipon Challenge


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment