Kapag trabaho ang pinag-uusapan, tila wala namang madali, dahil lahat ng trabaho ay dapat pagpaguran mo. Nakakalungkot minsan na may mga araw na wala kang kita dahil sa matumal na mga tao lalo na ngayong pandemya.
Kagaya ng mga driver ng iba’t-ibang uri ng pampasaherong sasakyan, may araw na talagang matumal ang mga pasahero kung kaya’t umuuwi silang laglag ang balikat dahil walang maibigay sa kanilang pamilya.
You May Also Read:
Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!
Ang ganitong kalagayan ay naranasan ng isang taxi driver na si Macoy.
Narito ang kanyang karanasan, Halos ilang oras na din nagpapaikot ikot sa kalsada ang taxi driver na ito ngunit siya ay wala pa ding nahahanap na pasahero. Saad ng driver na si Macoy sa kaniyang sarili,
“Napakatumal naman ng pasada ngayon kahit isang pasahero sobrang dalang.”
Makalipas ang ilan pang sandali ng paghihintay ay sa wakas mayroon ng isang babae ang lumapit at pumara sa kaniyang taxi.
Noong nakasakay na ang babae sa kaniyang taxi, hindi naman maiwasan ni Macoy na mapatitig dito. Sa isip isip niya ay natatawa na siya dahil sa kutis ng babae na kulay itim na tila ba ito ay pinaglihi sa uling.
Maya maya pa ay tinanong na ni Macoy ang babaeng pasahero kung saan ang destinasyon nito nang sa gayon ay maihatid na niya ito sa pupuntahan nito.
Sagot naman ng babaeng pasahero,
“Sa may Ayala po, manong.”
Habang palihim na tinitignan ang babae sa likuran, napansin ni Macoy na makinis ang balat nito kahit maitim ang kutis nito.
Dala na din siguro ng kaniyang kuryosidad ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na tanungin at kausapin ang babaeng pasahero.
Aniya,
“Alam mo miss, Buti na lang at sumakay ka sa taxi ko, Kasi simula kaninang umaga wala pa ko kahit isang nagiging pasahero”.
Sagot muli ng babae,
“Ah ganoon po ba Manong? Eh di ako po pala ang inyong buena mano?”
“Oo miss kaya akoy nagpapasalamat at pinara mo ang aking taxi”
Saad pa ng pasahero,
“Wala pong anuman manong. Nagmamadali rin po kasi ako kaya naisipan ko na pong mag taxi hindi ko pa kasi nakukuha ang pina-carwash kong sasakyan.”
Samantala, pilit pa din naman ni Macoy na pinipigilan ang kaniyang tawa habang patuloy na nagsasalita ang babaeng pasahero dahil nakikita niya na nanlalaki pa ang bilugang mata ng pasahero niyang maitim ang balat.
Ngunit, hindi na din napigilan ni Macoy ang sarili at tinanong na ang babae.
Tanong niya dito,
“Miss tanong ko lang, may lahi kaba? Mukha kasing taga-Africa.”
Tugon naman ng babae,
“Opo, Manong, Nigerian po ang aking tatay at Pinay naman ang nanay ko at dito po ako sa Pilipinas ipinanganak at lumaki.”
Pang-aasar ni Macoy,
“Hindi mo ba naisipan na gumamit ng bleach noong bata ka upang kahit papaano eh pumuti ka.”
Nagulat man ang babae dahil sa hindi inaasahang tanong at pang-aasar sa kaniya ng taxi driver, nginitian lamang niya ito ng matamis at sinagot na,
“Marami na rin po ang sa akin ay nagsabi ng ganyan, ngunit sa tingin ko po hindi ko na kailangan gawin yon dahil masaya at kuntento po ako kung anong mayroon ako. Ganitong kulay po ang ibinigay sa akin ng Panginoon kaya buong puso ko pong tinatanggap.”
Dagdag pa niya,
“Nasanay na din po ako sa mga salitang ganyan dahil kahit nung bata po ako ay ibat-ibang pangungutya ang aking narinig sa mga tao, dahil panget ako maitim.
Ngunit kahit lumaki ako sa mapanlait at mapanakit na mundong ito ay natutunan kong mahalin at tanggapin ang katangiang mayroon ako. Ang sabi po kasi sa akin ng akin mga magulang ay hindi ko dapat ikahiya kung anong meron kahit naiiba ako sa ibang tao na mapuputi ang balat ang mahalaga po ay ang pagiging mabuting tao at may malasakit sa kapwa.”
Natahimik naman si Macoy sa sinabi ng babaeng pasahero. Namula din ang kaniyang mukha dahil sa hiya na kaniyang naramdaman dahil sa tinuran niya dito.
Wika ni Macoy,
“Oo nga miss, tama ka diyan sa lahat ng sinabi mo.”
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na din sila sa Ayala kung saan ang destinasyon na sinabi ng kaniyang pasahero.
Kumuha naman ang babae ng pera sa kaniyang wallet at dinagdagan na din ito ng tip bago siya bumaba ng taxi.
Sagot ng babae,
“Manong, eto na po ang bayad ko. Dinagdagan ko po `yan. tip ko po para sa inyo. Salamat po sa paghahatid sa akin dito.”
Nagulat naman si Macoy nang makta na triple ang ibinayad ng babae sa kaniya.
Nang makababa ang nasabing pasahero, isang dalagita naman ang lumapit dito at makikita ang bakas na saya sa mukha nito habang nagpapakuha ng larawan sa maitim na pasaherong babae gamit ang cellphone nito.
Nagulat naman si Macoy at napatanong dahil sa turan ng dalaga dahil ito ay tila kinikilig pa habang nagpapapitucre sa babae. Matapos noon ay sumakay na din ang dalaga sa taxi ni Macoy.
Saad ng dalaga,
“Manong, pahatid nga po sa Q.C.”
Kaagad naman tinanong ni Macoy ang dalagita tungkol sa kaniyang naging pasahero.
“Miss matanong ko lang, kilala mo ba yung pasahero ko kanina na maitim na babae?”
Maligayang sagot ng dalaga kay Macoy,
“Ayy nako manong, Oo naman po kilalang-kilala ko po . Siya po si Aliya yung Pinay na International Model. Sobrang sikat po siya sa Amerika sa pagmomodelo. Ang pagkakaalam ko po kaya po siya andito sa ating bansa ay para dalawin ang pamilya nito.
Balita ko rin po ay sobrang yaman na nito at isa nang milyonara may-ari pa siya ng isang sikat at malaking clothing brand. Pero kahit ganoon na po siya kataas ay nanatili po siyang mapagkumbaba at mabait lalo na sa kanyang mga tagahanga.”
0 comments :
Post a Comment