Lolo na Deaf and Mute,Naglilibot at Nag-aalok ng Masahe at Gupit Bilang Hanapbuhay Sakay ng Kanyang Bisekleta.

Ayon nga sa kasabihan, kung gusto ay may paraan, kung ayaw marami namang dahilan. Sa tulad ni lolo na may kapansanan at matanda na, talagang may dahilan upang siya ya magpahinga na sana, subalit mas nanaig kay lolo ang pagmamahal sa kanyang pamilya kung kaya’t kahit matanda na ay gumagawa pa rin ng paraan para magkaroon ng kita.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Kinilala siya na si Lolo Alejandro Lebuna Sr., mula sa Sitio Ma-inuswagon, Bolilao, Mandurriao, IloIlo. Makikitang matanda na si lolo at del1kado ang paglabas-labas ngayon dahil sa banta na dulot ng pandemya, ngunit hindi ito hadlang para siya ay maghanapbuhay.

Si lolo, ayon sa salaysay ng kanyang manugang na si Nancy ay isang PWD o Person with Disability dahil sa pagiging deaf and mute, sakay ng kanyang bisekleta nililibot niya ang kanilang lugar upang mag alok ng kanyang serbisyo sa paggupit at masahe, nakalagay lamang sa karatula sa harapan ng kanyang bike kung ano ang kanyang trabaho.

Sa kanyang edad na 73-anyos, malusog pa si lolo at malakas upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa kabila ng kanyang naging kapansanan. Nasa P50.00 ang gupit at P100.00 naman ang singil niya sa pagmamasahe.

Kasama ni lolo ang kanyang may bahay na si lola Ernestina, 69 years old. Bukod sa pag-aalok ng gupit at masahe, ay nagbebenta rin sila ng kanyang asawa ng mga tanim na halaman at mga alagang bibe.

Dahil sa paghanga sa kanya ng isang netizen, naisipan nitong ibahagi sa Facebook ang nakaka-inspire na kwento ni lolo Alejandro. Agad itong nagviral at bumuhos ang tulong para kay lolo at sa kanyang pamilya.

Para kay lolo Alejandro, lahat ay kanyang gagawin para maitaguyod at ating pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay.

“Bilang magulang, hindi na natin iniisip ang ating mga sarili, dahil ang mahalaga sa atin ay maibigay natin ang pangangailangan ng ating mahal sa buhay,” pahayag ni lolo Alejandro.

Dumagsa din ang sari saring tulong kay lolo at sa kanyang pamilya mula sa mga netizens at iba pang may mabubuting puso at mga naantig sa kwento ni lolo Alejandro.

You May Also Read:

Customer, Nagalit ng Malamang Siya Pala ang Magbabayad sa Pera na nasa Loob ng “Money Cake”.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment