Pamilya sa Cagayan, Nalason dahil sa Kinaing Alimango, Dalawang Bata Nasawi, Padre De Pamilya Nakaratay pa sa Ospital.

Maging maingat po tayo sa ating kinakain lalo na kapag hindi tayo pamilyar sa mga seafoods na ito ng hindi matulad ang miyembro ng pamilya natin sa sinapit ng kawawang mga bata na ito.

Ikinasaw1 ng dalawang bata ang pagkalas0n dahil sa alimango na kanilang kinain sa Sta. Ana, Cagayan. Ang kanilang padre de pamilya, nasa ospital pa at hindi pa alam na wala na ang dalawa niyang anak.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Sa ulat ng GMA Regional TV  kinilala ang mga nasawi na si Reign Clark Cuaba, 5-anyos, at kapatid na si Mac Neil, 2, ng Barangay Tangatan.

Bukod sa magkapatid, iniulat ng rural health unit ng Sta. Ana na nabiktima rin ng food poisoning ang mga magulang ng magkapatid na sina Eugenio Sr. 44, ina nilang si Maylyn, 36, at kapatid na si Eugenio Jr., 22.

Kasama rin sina Joan Jimenez, 26, Juvencio Esperitu, 43, Jaica Esperitu, 3, at Walden Calibuso, 30.

Napag-alaman na pangingisda ang ikinabubuhay ni Eugenio Jr. at iniuwi nito sa bahay nitong Martes ang mga huling isda at alimango na ipinaluto kay Maylyn at kinain ng pamilya.

Ayon kay Maylyn, tapos na silang kumain nang malasahan niya ang kakaibang asim ng alimango.

Nakaramdam umano ng pagkahilo, panghihina at sumakit ang tiyan ng mga bikt1ma.

Nitong Miyerkules, binawian ng buhay ang magkapatid na sina Reign Clark at Mac Neil.

Sa d3ath certificate ng magkapatid, possible food poison1ng ang nakalagay na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Nakaratay pa rin sa ospital si Eugenio Sr. at hindi pa batid na namatay na ang dalawa nilang anak, ayon kay Maylyn.

Sa nakuhang sample ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 2, isang Zozymus Aeneus na uri ng alimango ang nakain ng pamilya.

Hindi raw talaga kinakain ang naturang uri ng alimango dahil may taglay itong toxin o las0n.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment