Netizen, Mano-manong Pinipinta ang Disenyo ng Bayong Bags Upang May Pangsuporta sa Kanyang Pagpapagamot.

Ika nga nila “health is wealth” ang magandang kalusugan ay sobra pa sa kayamanan. Lahat ng mga naipundar mo ay kusang mawawala kapag nagkaroon ng malubhang sakit ang isang tao, hindi mo magagawa nag mga bagay na gusto mo at hindi mo ma-eenjoy ang buhay mo.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Tila ito ang nararamdaman sa ngayon ng isa nating kababayan, kung saan ay nanghihina na ang kanyang katawan at kinailangang mag undergo sa dialysis treatment.

Siya ay kinilala bilang si Tina Pamilar Sarmiento, kahit na siya ay may sakit, mayroon pala siyang talento na sa ngayon ay ito ang tumutulong sa kanya upang masuportahan ang kanyang pagpapagamot.

Magaling magpinta si Tina at kamakailan lang ay kanyang pinasilip ang kanyang sariling obra sa social media. Di naman siya binigo dahil sa daming netizen ang humanga sa kanyang mga gawa at ito ay nag trending pa ng ibinahagi niya sa Guhit Pinas facebook page.

Kasabay ng nasabing post ang paghingi niya ng tulong sa ibang netizen na tangkilikin ang kaniyang mga gawa dahil malaking tulong ito para sa kaniyang regular na dialysis treatment gayun na rin sa kaniyang mga maintenance na gamot.

“PWEDE PO BA MAGPROMOTE NG ARTPAGE KO PO? DITO KO O SINESELL MGA PAINTINGS KO PARA PANDAGDAG PO SA DIALYSIS TREATMENT AT MAINTENANCE KO PO.” CAPTION NI TINA SA KANIYANG FACEBOOK POST.

Malaki-laki rin kasi ang kinakailangan halaga sa pagpapagamot ni Tina kaya naman naghahanap siya ng ibang mapagkakakitaan upang hindi siya gaanong maging pabigat sa kaniyang pamilya. Patuloy na lumalaban sa buhay si Tina at nakakatulong sa kaniyang magandang recovery ang makulay na pagpinta sa mga bayong.

Talaga namang magaganda ang likhang kamay ni Tina at dahil sa pagiging-viral ng kaniyang Facebook post, maraming netizen ang nagpa-abot ng kanilang tulong upang magtuloy-tuloy ang kaniyang gamutan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment