Isa sa nakakatakot na hayop sa mundo ay ang ahas. Dahil sa itsura nito at balat lalo na ang kanyang dalang kamandag na kapag ikaw ay natuklaw at hindi kaagad naagapan na bigyan ng lunas ay maaari kang mamatay kaagad.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Minsan nakakatuwa na inihahambing ng mga tao ang ahas sa kanilang mga di-umanoy kaibigan na nang-aagaw ng kanilang mga jowa. Bakit nga ba nila naihambing ito sa ahas? Pero ang mahalaga ay dapat maging ma-ingat tayo lalo na kapag pumupunta sa mga masukal na lugar.
Mayroong nag trending na balita na ang isang sawa ay tumuklaw ng porcupine, at ito na yata ang pinaka masamang pagkaing kanyang natikman sa buhay niya.
Narito ang kwento mula sa siklista na nakakita ng sawa:
Ang siklista na ito ay naglalakbay lamang sa isa sa mga mountain bike trails sa Lake Eland Game Reserve sa KwaZulu-Natal, South Africa nang mapansin niya ang isang napakalaking sawa.
Naisip ng siklista na kuhanan ito ng larawan at ibahagi ito sakaniyang social media account na kaagad namang napukaw ang atensyon ng mga netizens at lokal na nais din makita ang nasabing sawa ng personal.
Sa mga sumunod na araw, maraming mga tao ang nagpunta sa parke upang makita ang sawa. Marami din sa kanila ang namuo ang kuryosidad kung ano nga nga ba ang nakain ng sawa at bakit naging sobrang laki ng hugis ng katawan nito.
Mayroong iba’t ibang spekulasyon na kumakalat mula sa mga hayop na matatagpuan sa kagubatan ngunit marami sa mga ito ang hindi nakukumpirma. Samantala, [email protected] ang sawa ilang araw makalipas itong matagpuan ng siklista.
Dahil dito, napagdesisyunan ng mga bisita at opisyal ng parke na buksan ang katawan ng sawa upang malaman kung ano nga ba ang nasa loob nito at maipaliwanag din kung bakit bigla itong binawian ng buhay.
Laking gulat na lamang nila nang makita ang kung ano nasa loob ng katawan ng sawa. Natagpuan nila ang isang 30-lb o 13.8 kilograms na porcupine.
Samantala, hindi naman naging malinaw kung ang porcupine ba ang naging sanhi ng [email protected]@y ng sawa. Natagpuan ng mga ranger ang sawa sa ilalim ng mabato na daan, kung saan ito ay tila nahulog.
Dahil sa impact, ang mga quills sa loob ng malaking tiyan nito ay maaaring tumagos sa digestive tract ng sawa na maaaring sanhi ng [email protected]@tay nito.
0 comments :
Post a Comment