Malaking pagpapasalamat na natin sa Panginoon ang makakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, ligtas sa anumang sakit at may bubong na taga proteksyon sa init at ulan. Kung nararanasan mo yan ngayon, at sinsabi mong nawawalan kapa ng pag-asa dahil sa mga problema mo, paano nalang kaya ang mga taong katulad nito?

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Naantig ang marami sa larawan ng mag-ama na mahimbing na natutulog sa isang tambak ng basura sa isang estero. Ang larawan ng mag-ama na ito ay pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens dahil hindi ito karaniwang ginagawa ng mga taong walang matirhan.

Magkayakap pa ang mag-ama habang natutulog sila. Talaga namang masakit sa damdaming makakita ng ganitong klase ng sitwasyon. Ang viral na larawan ng mag-ama na ito ay ibinahagi ng Facebook page na “Bayan Ko”.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong detalye kung saan kuha ang larawan na ito o kung paano napunta ang mag-ama sa naturang kalagayan.

Maraming mga netizens ang nananawagan sa mga otoridad na sana ay mabigyan ng tulong ang mag-ama dahil sa hindi talaga biro ang kanilang kalagayan. Hindi lamang delikado sa lugar na ito ngunit mas magiging malaki din ang tyansang makakuha sila ng sakit sa maruming kapaligiran na ito.

Bilang isang magulang, tunay nga na wala tayong ibang nais kundi ang ikabubuti ng ating mga anak. Kung kaya naman marahil ay kahit naisin pa ng ama na ito sa larawan na magkaroon ng matutulugan ang kaniyang musmos na anak ay wala itong magawa kundi makuntento na lamang at pagtiyagaan ang lugar na ito.

Tunay nga na mahirap ang buhay ng maraming mga Pilipino, ngunit kung tayo ay magtutulungan upang kahit papaano ay maging maayos ang buhay ng isa man lamang sa atin, tiyak na kahit papaano ay mayroong magiging pagbabago.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment