Marami tayong iba’t-ibang kwento na nababasa sa social media na hango sa totoong nararanasan ng mga tao. Simpleng pagpicture at pag-post lamang ng mga larawan sa mga social media sites ay isa nang paraan at malaking tulong para sa mga nangangailangan.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Ang mga larawang din ito ay nagbibigay aral sa mga pabayang tao, na magsumikap at maging mabuting miyembro ng ating komunidad.
Katulad na lamang po sa batang estudyante na ito kung saan kumakain ng walang ulam na nagdulot ng lungkot at pagkahabag sa mga netizen.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas ay agad na nag-trending online ang larawan ng isang babaeng estudyante habang kumakain sa loob ng silid-aralan dala ang sariling baonan.
Ang ikinaantig ng mga netizen sa bata ay dahil wala itong ulam man lang sa kanyang baon.
Maaaninag naman sa mukha ng bata na tila hindi naman niya alintana na wala siyang ulam.
Bumuhos naman ang papuri sa bata dahil sa kabila ng kawalan niya ng ulam ay magana pa rin itong kumakain.
Napahanga rin ang mga netizen dahil matiyaga pa rin itong nag-aaral kahit wala siyang ulam. Marahil hikahos sila sa buhay ngunit hindi ito hadlang upang siya’y makapag-aral.
Sa caption post ng D30 viral video and news, hinikayat nito ang mga kabataan na magsumikap sa pag-aaral dahil maraming ibang bata sa bansa na hindi makapag-aral dahil lamang sa kawalan ng pera.
“Nakakaantig puso ang batang ito kumakain kahit walang ulam nagrereces din ng walang pera pero mas nakakabilib wala siyang absent sa kanyang pagpasok sa school kaya sa mga kabataan diyan sanay magbigay aral sa inyo ang larawang ito.”
0 comments :
Post a Comment