Mula sa ating pagkabata, namulat tayo sa paniniwalang mayroong Santa Claus na siyang tumutupad ng ating mga hiling tuwing sasapit ang kapaskuhan.
You May Also Read:
Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Kadalasan naman na hiling ng mga kabataan ay mga laruan, tsokolate, damit at kung ano pang materyal na bagay. Subalit kakaiba naman ang naging hiling ng batang ito kay Santa kung kaya’t naging viral sa social media.
Maraming netizens ang na touch sa naging liham ng 7-anyos na batang lalaki para kay Santa.
Bukod kasi sa ilang pirasong libro, dictionary, compass at relo, isa sa kanyang hiling ang magkaroon ng mabuti at mabait na ama.
Sa ibinahaging larawan ng ina ng bata sa pamamagitan ng SafeHaven, isang tirahan para sa mga biktima ng pang-aabus0, mababasa ang sulat-kamay ng bata.
Dear Santa,
We had to leave our house. Dad was mad. We had to do all the chores. Dad got everything he wanted. Mom said it was time to leave and she would take us to a safer place where we don’t have to be scared.
I’m still nervous. I don’t want to talk to the other kids. Are you going to come this Christmas? We don’t have any of our stuff here. Can you bring some chapter books, a dictionary, and a compass and a watch? I also want a very very very good dad. Can you do that too?
Love, Blake
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng SafeHaven ang mag-ina dahil umano sa pang-aabus0 mula sa kanilang padre-de-pamilya.
Ayon sa ina ni Blake, natagpuan niya ang sulat sa bag ng anak ilang Linggo na ang nakararaan kaya agad niya itong ipinakita kay Kathryn Jacob, president and CEO ng SafeHaven of Tarrant County.
“Blake’s story is like every story we see. The problem is so pervasive,” saad ni Jacob.
Sa naturang liham, napukaw ang atensyon ng mga tao lalo na sa lumalalang problema tungkol sa domestic vi0lence sa United States.
Marami rin ang nagbahagi ng kanilang istorya dahil sa nabasang sulat mula kay Blake.
“The people who have said that they’ve experienced this … that has been stunning to me, and I’m in this world. [It’s] so many people,” ani Jacob.
0 comments :
Post a Comment