Ang makapag bigay ng tamang serbisyo sa mga kustomer ay malaking kaginhawaan na para sa mga crew at empleyado ng isang restaurant, subalit sadyang may mga mababait na kustomer na marunong mag appreciate sa ginagawang serbisyo ng mga crew kung kaya’t nag-iiwan sila ng mga tip bago umalis.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Masaya sa pakiramdam na nabigyan mo sila ng tamang serbisyo, ngunit di inaasahan naman ng mga empleyado ng isang restaurant na may ibinigay na maagang regalo ang isang kustomer na nagbigay galak sa kanilang lahat.

Kadalasan kasi ang mga naiiwang tip ay mga sukli na lamang ng mga kumakain, ngunit ang iniwang tip ng kustomer na ito ay malaking halaga, ito daw ay bilang pasasalamat sa kanila umanong tiyaga at dedikasyon sa trabaho kahit pa nasa gitna ng krisis.

Nang makapanayam ng CNN ang may-ari ng The Starving Artist restaurant, sinabi ni Arnold Teixeira na matagal na nilang suki ang customer simula pa taong 2001.

Isang araw ay kumain daw ito sa kanilang restawran kasama ng kanyang pamilya.

Nang makaalis ay ikinagulat ng isang staff ang perang iniwan nito dahil mas malaki kaysa sa nararapat lang na halaga.

Bigla umanong napaluha ang naturang staff nang makita ang pera na may kasama pa umanong note.

Hanggang sa makita na rin daw ng isa pang empleyado ang pera na nagkakahalaga ng $1,000 o 50,000 tip para sa kanila.

Sa note ay mababasa ang liham ng good samaritan na ibinahagi ng may-ari.

“Thank you so much for working through this tough time,” sabi sa unang bahagi ng note.

Kwento pa ni Teixeira, nagkakahalaga lamang ng $43.18 ang halaga ng kinain ng naturang pamilya pero nag-iwan ito ng nasa $1,043.18.

Ang matitira sa ibinigay nilang halaga ay para sa tip ng mga empleyado.

Sa kabila ng pandemya, masaya umano si Teixeira na may mga tao palang nakakapansin ng sakripisyong kanilang ginagawa.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment