Parating naririnig natin sa mga matatanda kapag nagbibigay ng payo ay, kung ano daw ang ginagawa mo ay siya ring babalik sa iyo, mayroong tinatawag na good at bad karma, kaya maging mapanuri sa kung ano man ang ating ginagawa sa ating kapwa.
Isang halimbawa nito ay ang trending na pangyayari sa isang security guard na kinilala kay Aina Townsend na mula sa bansang Waiehu, Hawaii.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Si Aina ay nagbisikleta ng halos 5 kilometro maisauli lamang ang isang pitaka na naiwan ng isang customer.
Kwento ni Chloe, isang beses ay nagmamadali daw siya sa isang grocery store kasama ang kanilang 5-month old na baby na biglang naramdaman niyang nawawala ang kanyang pitaka.
“I was shocked at first. I didn’t even realize I had lost it. He definitely went out of his way for a complete stranger which was so amazing,” sabi ni Chloe.
Sa mga nagdaang oras naman na iyon ay tinatahak na pala ni Aina ang kalsadang matirik na halos isang oras sa pagbibisikleta maisauli lamang ang pitaka ni Chloe na nawala sa grocery store.
Labis naman ang pasasalamat ng mag-asawa kay Aina matapos nitong maibalik ang pitakang nawala sa kanila hindi rin napigilan ng mag-asawa na humanga sa ipinakitang katapatan ng security guard.
Pagkatapos naman ng pangyayaring iyon ay agad ipinost ni Gray sa kanyang Facebook account ang kabutihang loob ni Aina na agad naman na nag viral.
“He literally rode his bicycle to return her wallet. Completely full of everything important to her including cash. Nothing was so much as moved,” saad ni Gray
Isa sa mga napahanga ni Aina sa kanyang pagiging matapat ay ang kaibigan ni Gray na si Greg Gaudlet na gumawa ng GoFundMe campaign upang makalikom ng $5,000 na ipambibili umano ng segundamano na kotse para iregalo sa sekyu bago mag bagong taon.
“Gray and I would like to raise $5,000 so we can buy Aina a used car before New Years, 1/1/21. It’s probably a long shot, but he deserves it, and Gray and I will be the first to contribute,” sabi ni Greg.
Samantala, hindi naman inaasahan ni Greg na marami ang tutulong sa kanilang campaign, Aniya $5,000 lang kanyang inaasahan na malilikom ngunit umabot ito ng $23,000 makalipas lamang ang anim na araw.
“Thank you everyone for your generous donations!!! We have been BLOWN away by everyone’s love and generosity. We were just hoping to raise at least $3k. I just cannot believe we’re approaching $23k!” saad ni Greg.
Sa ngayon ay tinatayang umabot na sa $25,416 ang lahat ng donasyon.
Labis naman ang pasasalamat ng sekyung si Aina sa mga tumulong at nag-donate sa GoFundMe, Ayon kay Aina ay malaking tulong sa kanya iyon dahil mapapalitan na ng kotse ang kanyang bisekletang ginagamit sa araw-araw sa loob ng limang taon.
Sinabi rin ni Aina sa interview ng CNN, Noon ay naranasan din niya ang mawalan ng pitaka kaya naman alam niya na ang pakiramdam ng nawalan.
“It means a lot. It’s not only about having better transportation. I can do more stuff for my family now. That’s the bigger part of the picture,”
“You know, I lost a wallet before too and it’s the worst thing in the world. I was just doing what I felt was the right thing to do,” pahayag ni Aina.
0 comments :
Post a Comment