Ayon nga sa isang kasabihan ” Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makarating sa Paruruonan”. Katulad na lamang sa isang Beauty Queen na ito na lalong hinangaan ng publiko dahil sa kanyang pinamalas na magandang kalooban.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Siya ay kinilalang si Khanittha “Mint” Phasaeng, 17, mula sa bansang Thailand.Si Khanittha ang nanalo sa beauty pageant na “Miss Uncensored News” sa Thailand kung saan inamin niyang isang garbage collector ang kanyang ina.
Ayon kay Khanittha, tinutulungan rin niya ang kanyang ina sa pagkuha ng mga basura upang may maipangtustos sila sa pang araw-araw.
Sa mga ulat ng media sa Thailand, hindi raw nahihiya si Khanittha na dati siyang nangongolekta ng mga basura at sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang ina na garbage collector dahil sa mga sakripisyo nito.
Dagdag pa nila, ang naipong pera noon ng ina ni Khanittha ang kanilang ginamit upang makapasok siya sa competition.
Upang ipakita ang kanyang respeto at pasasalamat, hindi nahiyang lumuhod si Khanittha sa harapan ng kanyang mahal na ina habang suot suot pa ang corona at sash nang makauwi ito galing sa beauty pageant.
“I will still help my mother to collect garbage when I’m free even though she is unwilling to let me do it.” saad ni Khanittha.
Ayon naman sa mga report, nakatanggap na raw ng offer si Khanittha upang maging isang artista.
Samantala, nagkaroon ng komplikasyon ang pagkapanalo ni Khanittha matapos madiskubre na pineke umano nito ang kanyang educational background.
Dahil dito ay nagkaroon ng usap-usapan na babawiin umano ang corona at ang perang napanalunan ni Khanittha.
Ayon sa mga reports, humingi ng tawad si Khanittha at sinabing wala siyang intensyon na dayain ang kanyang educational background. Aniya, ang kanyang uncle umano ang nagfill-up ng form at hindi na niya ito nacheck bago ipasa.
0 comments :
Post a Comment