Babae, Nakabili ng Tsaleko sa Halagang P30 sa Ukay-ukay ang Nagbigay ng Swerte sa Kanilang Pamumuhay.

Marami sa atin ang naniniwala sa swerte kung kaya’t masugid yung iba sa atin sa pagtataya sa mga lotto, dahil nga naman kapag sinwerte ka ay biglang milyonaryo ka.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

May mga pangyayari at kaganapan sa ating buhay na dumarating na hindi natin inaasahan at yun ang isang paraan upang umiba ang takbo ng ating buhay.

Kaya sa buhay, dapat marunong ka, palaging positibo at wag mawalan ng pag-asa. Katulad na lamang sa paniniwala ni Lorna, siya ay isang fresh graduate at sa ngayon ay matiyagang naghahanap ng trabaho at umaasam ng swerte na darating sa buhay niya.

Ang Ina ni Lorna ay isang Labandera ang kanyang ina ang tanging nagtataguyod sa kanila sapagkat sa kasamaang palad ay maagang pumanaw ang kaniyang Ama.

Sa totoo lang ay sa panahon ngayon ay pahirapan na ang makahanap ng trabaho kaya naman minsan ay nalulungkot si Lorna at awang-awa siya sa tuwing makikita niyang nahihirapan ang inang matanda sa kakalaba.

Isang araw, maaga umalis ng bahay si Lorna upang maghanap muli ng trabaho.

Sa kanyang paghahanap ng trabaho may isa siyang napuntahang kumpanya at sinabihan ito ng isa mga tauhan dito na kung gusto niyang matanggap sa trabaho ay dapat maging presentable ito o kahit papaano ay pormal tignan ang suot nito.

Hindi naman alam ni Lorna kung saan siya makakahanap ng pormal o magandang damit dahil tanging 100 piso nalamang ang natitira niyang pera.

Ngunit sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang isang ukay-ukay at doon nakita niya ang isang tsalekong may halagang tatlumpung-piso lamang.

Kaya naman agad niya itong binili at ipinakita agad sa kanyang ina pag kauwi ng bahay.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ni Lorna habang kanyang inaayos ang tsalekong nabili upang labahan bumulaga sa kanyang ang isang singsing na mayroong dyamante sa bulsa ng tsalekong iyon.

Nang tignan nila ito mabuti ay nakita nila ang isang pangalan na nakaukit sa likod ng singsing.

Sinabihan naman si Lorna ng kanyang Ina na ibalik ito, ngunit sinabi naman ni Lorna na imposibleng sa may-ari ng ukay-ukay ang singsing na nakuha nila.

Subalit pinilit si Lorna ng kanyang Ina na hanapin ang tunay na may-ari. Kaya naman napagdesisyunan nilang ibahagi ito sa socmed.

Hindi nagtagal ay marami ang nagpadala ng mensahe kay Lorna.

Samantala halos isang buwan narin na walang trabaho si Lorna. Kaya naman minsan ay naiisip niya nalang na ibenta ang singsing na nakuha dahil sapat na ang halaga nito kapag nabenta na makapagpatayo ng negosyo upang tumigil na sa paglalabada ang kanyang Ina.

Ngunit hindi nagtagal may isang mensahe ang kumuha ng atensyon ni Lorna, Ang mensahe ay mula sa isang babaeng nakatira sa Amerika.

Ayon sa sulat ng babae ay matagal na raw niyang hinahanap ang naturang singsing na nakuha ni Lorna.

Bilang patunay kung totoo nga ba ang sinasabi ng Babaeng Amerikana tinanong siya ni Lorna kung ano ang palatandaan nito sa singsing.

Ito ay sinagot naman ng Babaeng Amerikana na ang nakasulat daw rito ay; “My dearest Anna”.

Dagdag pa ng Amerikana ay pamana pa raw ito ng kanyang Ina na nagmula sa kanyang ama at ito ay matagal na niyang hinahanap matapos mawala.

Sinabi rin nito na tanging ang singsing na lang daw ang ala-ala ng kanyang mga magulang.

At nang masigurado nga na ang singsing na yon at sa banyaga lumipad naman agad patungong Pilipinas ang banyagang babae at nakipagkita kay Lorna at sa Ina nitong si Aling Mely.

Labis naman ang pasasalamat ng banyaga sa mag-ina, at nang malaman naman ng Banyagang babae ang kwento ni Lorna kung paano natagpuan nito ang singsing sa kanyang lumang tsaleko ay agad itong inalok ng trabaho sa ibang bansa.

Hindi akalain ni Lorna na ang may-ari pala ng singsing na kanyang napulot ay isa ring may-ari ng malaking kumpanya sa ibang bansa at ayon sa banyaga ay nais niyang maging parte ng kanyang kumpanya si Lorna.

Sobra-sobra naman ang kasiyahan ng mag-ina dahil bukod sa binigyan na ng trabaho si Lorna sa ibang bansa ay sinabi rin ng banyaga na isasama ang Ina ni Lorna para pareho na silang doon manirahan.

Sa pangyayaring iyon ay naging maayos na ang Pamumuhay ni Lorna at ng kanyang Ina.

Di lubusang naisip ni Lorna na ang tsalekong yaon ang magdadala ng swerte sa kanilang mag-ina, basta’t gumagawa ka ng mabuti sa kapwa mo, may biyaya ang Panginoon sa iyo.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment