Naging laman ng balita ang isang di umanoy pangyayari sa pagitan ni Ian de Leon ay Inang si Nora Aunor, ang pinagmulan daw nito ay ang hindi niya pagsipot sa inihandang party ng nag-iisang Superstar para sa kanyang 45th birthday last Friday, Dec. 11.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Emosyonal ang aktor sa kanyang live session sa YouTube kahapon na may titulong, “The Bitter Truth” kung saan ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siyang huwag nang pumunta sa in-organize na selebrasyon ng ina.
Hindi na raw niya kinaya ang masasakit na salitang ibinabato ng mga netizens dahil sa ginawa niya kay Ate Guy. Karamihan sa mga ito at nagsabing pambabastos umano ang pangdededma sa sarili niyang party.
“Ma, mahal na mahal kita. Hindi magbabago ‘yon. Pero ang sakit na. Hindi ko na kayang manahimik. Lalong-lalo na (para) sa mga kapatid ko,” simulang pahayag ng anak nina Ate Guy at Christopher de Leon.
Pagpapatuloy pa niya, “Let’s not play games anymore. Una sa lahat, kahit ang pamilya namin ay nasa industriya ng show business, kami ng pamilya ko mas pinipili naming maging private.
“Ang sa akin, ang gusto ko lang mangyari kung ano ang okasyon namin as a family, ang gusto ko ‘yung kami-kami lang.
“Una sa lahat, tumawag ang mommy ko. Tuwang-tuwa ako kasi ilang taon kaming hindi nag-usap. Tuwang-tuwa ako, nag-I love you-han kami, nag-I miss you-han kami. Nagkuwentuhan kami.
“Plano niya nitong birthday ko maghahanda siya which ilang taong hindi nangyari ‘yon. I was truly happy, overfilled with joy. Sinabi pa niya, ‘Anak, pasensiya sa lahat ng pagkukulang, sa lahat ng mga kasalan ko.’ And siympre bilang anak, ganun din ako. ‘Pasensiya narin, Ma,’” lahad ni Ian.
Aniya, talagang na-hurt siya nang sabihin sa kanya ng ina na gagamitin sa vlog ang kanilang reunion, “Bitter truth: ‘Yung phone call mo, nasaktan ako. Kinabukasan tinext mo ako, pwede ko bang gawing vlog ang pinag-usapan natin.
“Sumunod du’n mayroon siyang gustong ipapunta na tao. Sagot ko, ‘Sorry, Ma. I don’t think na magiging comfortable kami.’
“Alam ko nasaktan ka, nasaktan kita dahil ‘di ako sumipot. Naghanda ka. Best effort Ma. Hands down, I appreciate it from the bottom of my heart,” sey pa ni Ian.
Diin ni Ian, nagsasalita siya ngayon hindi para manumbat o manira, nais niya lang na lumabas ang katotohanan, “Kasi buong buhay namin, pinoprotektahan namin ang mommy namin, kahit hindi niya alam.
“Nandito kami, o. Ma, o, handang-handa naming ialay ang buhay namin para sa ‘yo. Tutulungan ka namin gawin lahat ng mga kailangan mo gawin sa buhay, bigyan mo lang kami ng pagkakataon.”
Nakiusap din siya sa kanyang ina, “Ma, alam ko nanonood kayo. Uulitin ko, mahal na mahal kita. Hinding-hindi magbabago ‘yon, Ma. Pakiusap ko lang bigyan mo naman ng chance ang family mo.
“Bigyan niyo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka, araw-araw. Pakiusap, Ma. ‘Yung mga tao sa paligid niyo, alisin niyo na ‘yan, pamilya mo naman. Nakikiusap ako, bilang anak mo, bilang anak mo na nagmamahal sa iyo.
“Ang hiling ko lang sa birthday ko ay maging Nora Cabaltera Villamayor ka, hindi ‘yung Nora Aunor. Gusto ko maranasan ng mga apo mo ‘yung pagmamahal na puwede mong i-share. Gusto ko makasama mo sila habang may lakas pa tayo,” ang emosyonal pang mensahe niya sa ina.
Sa huling bahagi ng kanyang video, inulit niya kung gaano niya kamahal si Ate Guy, “I love you, Ma, and take care always, Ma. I’ll be talking to you, sabihin niyo na lang sa akin over the phone.
0 comments :
Post a Comment