Ang role ng pagiging Ina ay napakahirap gampanan, gagawin mo ang mga gawaing bahay ng walang sahod, walang day off at matuto ka pang mag multi-tasking. Kung sa palagay ng iba ang pagiging plain housewife ay madali lamang, nagkakamali po kayo, napakahirap pagsabayin ang pag-aalaga ng mga bata at gawaing bahay.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Dahil isa kang Ina, at wala kang choice kundi gampanan ang mga ito, kaya minsan sa kanilang mga gawaing bahay at mga paglilinis at paglalaba, isang bonus na para sa kanila kapag may nakapa sila sa mga bulsa ng pantalon ng kanilang Mister.
Aminin, na kahit maliit na halaga lamang ang mga naiwan sa labahan ng mga mister ninyo, pero parang napakahalaga na ng perang yaon.
Kaya naman bilang isang mabuting Mister, ginagawa daw niya ito sa kanyang asawa. Isang post mula kay Marven Cascato na nag viral kamakailan lamang dahil sa kanyang ibinahagi na diskarte kung paano pasayahin ang kanyang asawa at ganahan sa paglalaba.
Ayon sa kanya, sinasadya niyang mag-iwan ng pera sa maruruming labada upang masupresa ang misis niya pag nakita ito.
“Pls lang. Tayong mga husband kunting pag unawa naman sa asawa natin hindi biro ang maglaba kaya dapat ma isip nyo naman na tirhan nyo man lang nang kahit kunting pera sa bulsa nyo para naman sa bawat paglaba nila ay ma surprise at makabili nang pang snack,” payo ni Marvien.
Paliwanag pa niya, “Isipin nyo na sa bawat perang binilin nyo sa bulsa ay nakapag papasaya kayo.”
Dahil sa kanyang pagiging ‘considerate’ at ‘appreciative’ sa hirap na ginagawa ng kanyang asawa, hinangaan at ikinatuwa ito ng mga netizen.
Napa “Sana All” naman ang ibang mga netizens sa ginawa ni Marven. Mayroon kayang gagaya sa kanyang ginagawa? Nawa’y mabasa ito ng ibang mga mister at maging maintindihin din sa kanilang asawa. Asawa po sila at hindi Yaya at utusan kaya sila ay pahalagahan.
0 comments :
Post a Comment