Maraming mga Pinoy ang mahihilig sa streetfood sa kadahilanang talagang masasarap ang mga ito at nasa abot kaya na presyo, di mo na kailangan pang dumayo sa mga mall dahil mabilis lamang itong makita at minsan sila pa mismo ang dumadaan sa bahay mo.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Kadalasan na kinakain natin ay mga kwek-kwek, isaw, fishballs at may panulak pang masarap na inuming mga Samalamig.
Dahil nga mura sila at masarap, naisip din ba natin kung safe ito kainin? o ginagawa ba nila ito sa malinis na paraan? Marami tayong nakikitang mga nagtitinda ng fried chicken na ilang beses ng ginagamit ang mantika, na ito ay hindi maganda sa ating katawan.
Makikita natin na ito ay sa mga gilid ng kalsada lamang at prone sa mga alikabok at iba pang insekto.
Dahil na din sa maliit lamang na puhunan ng mga nagtitinda nito, nariyan na naghahanap sila ng mga sangkap na mas makakamura sila upang malaki ang kanilang tubuin mula sa pagtitinda nito.
Sa isang video na in-upload ng isang concerned citizen na si Sucayre Marco Francis sa Facebook page na “Manila Public Information Office”, mapapanood sa video ang isang tindera ng samalamig na nagtitiktik o nagbibiyak ng mga bloke ng yelo na nakalapag lamang sa semento sa tabing kalsada.
Labis na nakakabahala ang paraan ni ateng tindera sa pagtitimpla nya ng kanyang mga samalamig. Bagaman makikita sa video na kanyang binabanlawan ito ng tubig na nakalagay sa isang tabo, hindi pa rin ito sapat upang malinisan at matanggal ang mga dumi na nakadikit sa yelo lalo pa at nakalapag lamang ito sa semento.
Kayo na lamang po ang humusga sa paraan ng tinderang ito, hindi natin nais na siraan ang mga kababayan na naghahanap buhay sa ganitong paraan. Ang nais lamang iparating ng ating netizen ay pinag iingat ang ating mga kababayan sa mga posibleng maging bunga nito sa ating mga kalusugan.
0 comments :
Post a Comment