Dahil sa halos sunod-sunod na bagyo na naranasan ng bansa, marami sa mga mag-aaral, magulang at pati mga guro na din ang nananawagan sa kinauukulan na magkaroon ng “Academic Freeze”.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Mayroon namang iilan na mga Paaralan ang isasarado na raw ang Semester ng madalian dahil sa mga nangyayaring sakuna sa bansa. Kahit pa man distance learning ang sistema sa ngayon, apektado pa rin ang mga mag-aaral dahil nakasalalay sa mga internet connection ang kanilang online classes na naging mahina rin ang signal dahil sa masamang panahon.
Sa mga hindi abot naman ng mga internet connection at mga Pampublikong paaralan, module naman ang kanilang mga naging paraan para maipagpatuloy at makasabay sa pagbukas ng klase.
Nitong mga nakaraang araw ay binaha at marami ang pinsala na dala ng bagyong Ulysses, maraming buhay ang nasawi at isa itong [email protected] mahirap kalimutan.
Mayroon pang napabalitang Mag-ama na nasawi rin sa kasagsagan ng Bagyong Rolly dahil sa pagbalik nito sa kanilang tahanan para makuha lamang ang kanyang learning materials katulad ng module dahil sa sobrang pag-aalala nito sa kanyang pag-aaral.
Sa modular system na ito, marami na ring kabataan ang mas nahihirapan at mas naging mahirap pa kapag may guro silang hindi marunong maki simpatya sa kanilang sitwasyon.
Katulad na lamang po sa kumakalat na Screenshot ng pag-uusap ng estudyante at lalaking teacher patungkol sa module nito.
“Ok lang ako ano inuna nyo bang sinave ang module? Para sa bayan para sa kinabukasan?” saad ng guro sa tila pangungumusta ng nagmamalasakit na bata.
Agad namang umamin ang estudyante sa kanya na hindi raw nya nagawang ma-save ang modules nya, patunay lang ito na labis silang nasalanta ng kalamidad.
“Sir hindi po, nabasa po ung modules ko,” sagot nya sa teacher.
Pero sa halip na maawa at ibalik ng guro sa bata ang pagmamalasakit na ipinakita sa kanya ng estudyante, ay kabaliktaran pa ang nangyari.
Mababakas sa naging reply ng nasabing teacher ang pagiging sarcastic nito nang sabihin nya sa bata na: “So gusto mo icongrats kita?”
Kaya naman maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa nangyayari kung saan animo’y walang konsiderasyon ang nasabing guro at hindi isinaalang-alang ang sitwasyon.
Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:
0 comments :
Post a Comment