Di maikakaila na maraming pinoy ang mahilig sa ukay-ukay, isa sa mga rason na maliban sa mga mura ito, kadalasan ay branded pa at dependi naman sa iyong mapipili kung bago pa ba ito tignan o masyadong kupas na. Minsan nga kahit mayayaman ay mahilig din sa mga ito.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Suswertihin ka talaga kapag marunong kang magkilatis ng mga damit, sapatos at bag dahil yung iba sa mga ito ay hindi pa talaga nagagamit, isa pa sa tinutukoy nilang swerte sa ukay-ukay ay minsan may mga nakatagong wallet o pera na galing sa kung saang bansa. Nakaranas na ba kayo nito?
Tulad na lamang ng isang napakaswerteng 29-taong gulang na lalaki na nagngangalang Wan Mohamad Adam Wan Mohamed na mayroong planong magtayo ng kanyang sariling ukayan sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia. Kaya naman siya ay pumunta sa isang warehouse at namili ng mga damit na nasa halagang RM 100 (1,200 Pesos) na galing sa ukay-ukay.
Ilang buwan na rin niyang ginagawa ang pamimili sa mga warehouse para sa preparasyon ng kanyang bubuksan na ukayan. At siya na rin mismo ang nagso-sort ng kanyang mga nabibiling mga damit.
Ngunit itong kanyang mga huling nabiling mga damit, ay tila nasungkit niya ang jackpot dahil ang isa sa mga damit ay naglalaman ng isang makapal na wallet sa loob ng bulsa!
Nang buksan niya ang itim na pitaka, laking gulat niya dahil ito ay naglalaman ito ng mga bundles ng pera na nasa halagang RM 16,800 o higit sa 200,000 Pesos!
Sa loob ng pitaka ay walang nakalagay na identification ng may-ari nito, ngunit hinala ni Wan Mohamad na galing ito sa Japan dahil ang mga salapi o currency nito ay Japanese Yen.
Matapos nito ay pinapalit ni Wan Mohamad ang mga pera sa kanilang local currency upang magamit ang mga ito.
Ayon sa kanya, laking gulat niya sa pagkakatagpo ng ganitong kalaking pera. At ang perang nakuha niya ay gagamitin na lamang niya sa pagpapalago ng kanyang magiging negosyo.
Talaga ngang kusang dumarating ang swerte sa panahong di mo naman inaasahan.
0 comments :
Post a Comment